Kabanata 19

4.4K 64 4
                                    

Kabanata 19

Cruel

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay umaga na at bumungad kaagad sa akin ang nag-aalalang Azriel. Hawak-hawak niya ang isang kamay ko at napansin ko ring puyat na puyat ang kaniyang mga mata. 

"How are you feeling now?" namamaos niyang tanong.

"Natulog ka ba?" tanong ko naman pabalik sa kaniya kaya't bahagya siyang natigilan.

Marahan kong iniangat ang kamay ko para mahawakan ko ang kaniyang pisngi.

"You didn't sleep, Azriel," dagdag ko pa at nanatili lamang siyang walang imik.

Alam kong sobra siyang nag-aalala dahil sa nangyari sa akin kagabi. Napakagat na lang tuloy ako sa aking labi nang unti-unti na naman akong ginapang ng takot. Tinanggal ko rin tuloy ang kamay ko sa kaniyang pisngi. Malinaw na malinaw pa rin sa akin kung ano ang ginawa ng demonyong manyak na 'yon sa akin.

"Damn," mura ko dahil nanginginig na naman ang buo kong katawan.

Naalerto kaagad si Azriel at binangon niya ako upang maikulong niya ako sa kaniyang mga bisig.

 

"Shhh, you're safe with me now, baby," alo niya sa akin ngunit mas umiyak lang ako.

Nanatili lamang kami sa ganoong pwesto hanggang sa tuluyan na akong kumalma. Napakabigat na naman ng pakiramdam ko.

"I want him to pay for what he did to me, Azriel," humihikbi ko pa ring sambit matapos niyang tanggalin ang yakap niya sa akin.

"He's already paying for what he did, Eve. Nasa kulungan na siya, kaninang madaling araw pa," seryoso niyang sagot habang pinupunasan niya ang nabasa kong mga pisngi.

"Ako na ang bahala sa lahat, ang kailangan mo lang gawin ay magpahinga. I will call your doctors again para matinginan ka nila ulit," he added seriously.

"Thank you," mahina kong sagot na mas ikinalamlam ng kaniyang mga mata.

"You don't need to thank me. I'll do everything for you, lalo na ngayon," baritono niyang sagot bago niya hinalikan ang aking noo.

Napayakap na lang tuloy akong muli sa kaniya at hinayaan niya lang ako hanggang sa kusa ko na siyang pinakawalan.

"What do you want to eat? I'll cook for you," he suddenly asked.

"Kahit ano," tipid ko namang sagot dahil hindi ko nga alam kung makakakain ba ako ngayon.

May sasabihin pa sana siya nang biglaan namang bumukas ang pinto.

"May mga naghahanap kay Eve," seryosong anunsyo ni Creed na bahagyang ikinakunot ng noo ko.

"Sino?" tanong ko kaagad pero hindi sumagot si Creed.

"Sino kako?" ulit ko at akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Azriel.

"Dito ka na lang," sambit niya na ikinailing ko naman bago ako tuluyang tumayo.

Malakas ang kutob ko na ang mga kapatid ko ang naghahanap sa akin. Paniguradong nanggagalaiti na sila ngayon.

"Ako ang hinahanap kaya ako ang haharap," malamig kong sambit kaya't wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang at inalalayan na akong lumabas ng kwarto.

"Dalawang babae ba yung naghahanap sa akin?" tanong ko bigla kay Creed habang pababa na kami ng hagdan.

Tumango lang naman siya kaya't nakumpirma kong sina Charlotte nga.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon