Kabanata 30

4.9K 54 3
                                    

Kabanata 30


Take


Kasalukuyan na kaming bumabyahe ngayon ni Azriel pauwi sa condo. Matapos niya kasing sabihin kayla Leon na ikakasal na kami ay wala sa sarili ko siyang inayang umuwi.


Gusto kong linawin niya sa akin kung ano ang ibig sabihin ng inanunsyo niyang 'yon pero ngayong dalawa na lang kami dito sa kotse, ni hindi ko naman magawang ibuka ang bibig ko.


"I'm going to pull over," he said huskily.


Hindi ako umimik, hinayaan ko na lang siyang igilid ang sasakyan, at nagkunwari na lamang akong tulog hanggang sa tuluyan na nga niyang pinatay ang makina at narinig ko na rin ang pagkalas niya sa kaniyang seatbelt at ang pagbukas-sara ng pinto sa driver seat, indikasyon na bumaba siya.


Maya-maya pa ay naramdaman ko na rin ang pagbukas ng pinto sa gilid ko kaya't napamulat na ako.


"Let's talk about what I've just announced to your visitors earlier," panimula niya kaya kahit magwawala na ang puso ko ay tinanggal ko na ang seatbelt ko.


"Alam kong naguguluhan ka kung bakit ko sinabi sa kanila 'yon, Eve" he added.


"Oo, naguguluhan talaga ako, Azriel. Bakit mo ba kasi sinabi sa kanila 'yon ganoong hindi pa naman tayo engaged?" sagot ko naman at dahan-dahan na akong tumingin sa kaniya ngunit para akong binuhasan ng napakalamig na tubig nang makita ko ang hawak niyang kulay puting kahon.


Unti-unti niya itong binuksan at tumambad sa akin ang isang simple ngunit eleganteng singsing, and if I am not mistaken, it's a round brilliant cut diamond engagement ring, the most expensive one.


"Hindi ko alam kung ba't ko 'yon sinabi bigla pero hindi ako nagsisisi dahil matagal naman na talaga akong may balak na alukin ka ng kasal," sambit niya na nagpangilid na ng mga luha sa aking mga mata.


"Baby, I was indirectly proposing to you earlier."


Hold on.


Totoo ba talaga 'to? Tama ba ang narinig ko?


Dahil kung oo, mukhang nagdilang anghel nga si Linsey!


"But, I know, this is not really the right time to ask you to be my wife because your mother is still in coma and you're still studying so I will understand if you're going to reject me," he added before smiling that made me furrowed my eyebrows.


"Itatago ko na muna 'tong singsing, at aalukin na lang ulit kita kapag nagising na si Tita Althea at tapos ka nang mag-aral," aniya at akmang isasara niya na sana ang kahon nang natigilan siya sa sinabi ko.


"Put it on my finger, Azriel," sambit ko na ikinakagat niya sa ibaba niyang labi.


Hindi niya naman na kailangang alukin pa akong muli dahil ngayon pa lang, papayag naman na akong maengage sa kaniya, kaso ay syempre, hindi pa kami kaagad-agad magpapakasal.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon