Kabanata 32

4.4K 47 2
                                    

Kabanata 32


More Important


Binalot ng nakakabinging iyakan ang buong silid nang dumating na sila Linsey kaya't mas pinili ko na munang lumabas para makapagpahangin dahil hindi ko na makayanan ang hagulgol nina Lola, Tita Yolly, at nang dalawa kong kapatid. Nandoon naman sina Lolo, Linsey, at ang magaling na si Tito Charles para alalayan sila.


Naupo na lang ako muna ako dito sa baitang ng hagdan malapit sa entrance ng funeral home at napayuko habang yakap-yakap ko ang sarili kong mga tuhod.


Nanatili lamang ako sa ganoong posisyong nang halos ilang minuto hanggang sa biglaan akong nakarinig ng kalabog ng pinto ng kotse kaya't nag-angat ako ng tingin.


Bumungad sa akin ang isang Aston Martin at ang kunot-noong si Leon. Lumapit siya kaagad sa pwesto ko kaya napatayo na ako mula sa pagkakaupo.


"Magkano ang utang ko sayo?" tanong ko naman kaagad nang makalapit na siya sa akin.


"Utang? What are you talking about?" pagmamaang-maangan niya.


"Wala ka namang u—"


"Meron. My cousin already told me what you did. Ikaw ang nagbayad sa punenarya at sa putal sa bill. Hinayaan ka niya kasi ang sabi mo daw malaki ang utang mo sa akin," I cut him off.


"So now, tell me how much is my debt to you and your bank account number, para mabayaran na kita kaagad," dagdag ko pa.


"You don't need to pay me, Eve," sagot niya naman na kaagad kong ikinailing.


Hinding-hindi ako papayag na hindi ko siya mabayaran. Nakakahiya.


"Babayaran kita," kontra ko sa kaniya.


"Huwag na nga sabi, Eve. Hindi mo na kailangang bayaran 'yon," sambit niya na ikinasama na ng tingin ko sa kaniya.


"Leon, I don't really have the energy to argue right now kaya sige na, sabihin mo na kung magkano ang utang ko para matapos na akong usap natin," naiirita kong sabi na ikinabuntong hininga niya bago siya nagsalita.


"Nine hundred thousand," mahina niyang sabi.


Naningkit naman ang mga mata ko. Nine hundred thousand lang? Akala ko ay nasa isang milyon o higit pa.


"Alright. Give me your bank account number then," sambit ko.


"I will give it to you later. Let's go inside first," he replied.


"Ayoko pang bumalik do'n," mapait kong sambit bago naupong muli sa baitang ng hagdan.


"Why?" he asked worriedly.


Hindi ko siya sinagot. Napanguso lang ako.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon