Kabanata 8

5K 56 10
                                    

Kabanata 8


Leave


Isang buwan na naman ang lumipas, and my relationship with Azriel remained the same. Hindi pa talaga kami pero parang kami na. Hindi ko rin maintindihan.


"What are you doing?" tanong niya nang makalapit na siya sa akin dito sa study table.


"Assignments lang saka nagrereview. Malapit na ang exams namin," seryoso ko namang sagot bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko.


Hapon na rin at kakadating niya lang dito kani-kanina. He's busy earlier with their company, tapos pinuntahan din yata nilang lima si Eris.


"Ako na. Pahinga ka muna," malambing niya namang sambit bago niya kinuha sa kamay ko ang lapis.


"Kaya ko na. Ikaw yung pagod," sagot ko bago ako ngumiti.


"Hindi ako pagod," tanggi niya kaagad pero umiling lang ako at binawi ko na sa kaniya ang lapis.


"Matulog ka na lang muna diyan. I'll wake you up when I'm done with my assignments," seryoso kong sambi pero ngumuso siya.


"Azriel naman," dagdag ko dahil 'yang mukhang ganiyan. Hindi ko natitiis 'yan.


"Gusto lang naman kitang tulungan," malungkot niyang sagot kaya't napabuntong hininga na lamang ako bago ako tumayo mula sa pagkakaupo.


"Oo na. Tulungan mo na ako," suko ko na ikinangisi niya kaagad.


Napairap na lang tuloy ako sa hangin at ibinigay ko na sa kaniya yung kanina ko pa iginuguhit. Uupo na sana ulit ako pero napakunot kaagad ang aking noo dahil inilapag niya ang mga gamit sa sahig at akmang dadapa na siya.


"Diyan ka?" gulat kong tanong kaya't napatingin siya ulit sa akin.


"Masama ba dito? Ganito yung pwesto ko kanina kayla Eris," sagot niya naman.


"You also drew her assignments?" tanong ko naman na ikinatango niya kaya't hinayaan ko na lang.


Makalipas ang isang oras ay natapos na si Azriel sa ginagawa niya habang ako ay may isa pang problem na kailangang sagutan.


"Patapos ka na?" malambing niyang tanong bago halikan ang aking noo.


"One more problem," sagot ko naman at ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa ginagawa ko.


Hindi na siya nagsalita pa at naramdaman ko ang pag-alis niya sa tabi ko. I'll pay attention to him later.


Nang tuluyan na kong matapos ay kaagad ko nang niligpit ang mga gamit ko. Pagkalingon ko kay Azriel ay tahimik lamang siyang nakaupo sa gilid ng kama.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon