Kabanata 26

4.6K 56 0
                                    

Kabanata 26


Chocolates


Itinuon ko na lang naman ang buong atensyon ko kagabi kay Azriel para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya ngunit ako naman ang sumama ang pakiramdam ngayong umaga pero hindi ko 'yon ipinahalata sa kaniya.


Nung nagising siya kanina'y umasta na lamang akong ayos lang ako. We ate our breakfast together, hinatid niya pa ako dito sa university, but little did he know that I didn't have a good sleep.


Nang makatulog na kasi siya kagabi ay hindi na nawaglit sa utak ko yung mga mata niya habang sinasabi niya yung nangyari kay Eris.


I can understand his situation, but I can't stopped myself to be jealous of how much he loves that girl.


Alam kong sinabi niya na sa akin noon na kapatid lang ang turing niya kay Eris pero kahit na, pwede pa yung magbago.


"Eve, napupunit mo na yung page ng book," saway na sa akin ni Bianca kaya't napatingin na ako kaagad sa librong hawak ko.


Nandito kami ngayon sa library, inaya ko siya dahil sobrang ingay sa classroom na ikinaiirita ko lang lalo.


"Muntik pa lang," sagot ko naman bago ko isinara ng tuluyan ang buong libro dahil baka nga mamaya'y mapunit ko na.


"Are you okay? Mukhang wala kang tulog. May ginawa ba kayo-"


"I'm alright," I immediately cut her off bago ako dumukdok.


"Sungit yata. Hindi ka naman ganiyan kahapon," puna niya naman na siyang ikinanguso ko.


Wala na talaga ako sa tamang hulog!


Kailangan ko na nga muna sigurong umuwi at doon na matulog dahil baka iyon lang ang kailangan ko para mawala na 'tong nararamdaman kong selos.


"Uwi na ako," biglaan ko naman ng paalam at iniangat ko nang muli ang aking ulo.


"Pero may klase pa tayo maya-maya, Eve," sambit niya na mapait kong ikinangiti.


"Sometimes, you need to prioritize yourself over your studies. I need to go home right now. I feel so blue," sagot ko bago ko isinukbit sa balikat ko ang bag ko.


"Why are you sad? Is it about your parents?" malumanay niya namang tanong.


"Do you want to talk about it, first? Bago ka umuwi?" dagdag pa niya.


Kung ganito lang sana kabait ang mga kapatid ko, baka nagkasundo kami kaagad.


"I'm fine, Bianca. Baka dadatnan lang ako kaya ganito," pagsisinungaling ko.


Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon