Kabanata 40

6.4K 78 4
                                    

Kabanata 40


Last Piece


Just like what I've just said to Azriel earlier, pagkatapos nga naming kumain ay nagpahatid na kami kay Manong Ruiz dito sa bahay nila Lolo.


Sila lang dalawa ni Lola ang inabutan namin na nandito. Nasa kabilang bayan daw si Linsey, pumasok sa kaniyang trabaho, kaya't kaming apat lang ang nagkukwentuhan ngayon dito sa salas.


"Teka, alas tres na pala! Anong gusto niyong meryenda?" my grandmother suddenly asked.


"Mango shake na lang, Sanya," sambit ni Lola.


"Teka, titingnan ko kung meron ng hinog na bunga yung puno sa labas," sagot naman ni Lola at akmang tatayo na ngunit naupo siyang muli.


"Kaso'y wala nga pala tayong panungkit. Paano tayo makakakuha? Hindi naman na kaya ni Alejandrong umakyat sa puno," she added.


"Ako pong bahala. Aakyatin ko na lang po," sabi kaagad nitong katabi ko kaya't awtomatiko akong napatingin sa kaniya.


Is he serious?


"Aakyatin mo? Marunong ka ba? Baka malaglag ka lang, Azriel Easton!" dire-diretso kong sambit dahil ginapang kaagad ako ng kaba.


Baka mamaya kasi'y mapa'no lang siya!


"Don't worry. I know how to climb a tree, Eve," he assured me.


Kokontrahin ko pa sana siya ngunit naunahan na akong magsalita ni Lola.


"O siya, halika na kayo sa labas kung marunong naman pa lang umakyat ng puno si Azriel!" sambit ni Lola bago sila tumayo ni Lolo kaya't hindi na ako nakapagprotesta pa at lumabas na nga lang kami ng bahay at nagpunta sa gilid kung nasaan ang malaking puno ng mangga.


Ngayon ko lang nalaman na namumunga pala 'to.


Tiningala ko ito at marahan akong napamura nang makita ko kung gaano kataas ang pwesto ng mga hinog na mangga.


Isang maling galaw lang ni Azriel mamaya, paniguradong sa ospital na siya pupulutin!


"Ilan po ang kukuhanin ko?" tanong naman na ni Azriel sa Lolo't Lola ko nang nasa paanan na siya ng puno.


"Mga lima lang siguro," my grandmother replied to him.


"Mag-ingat ka, Hijo. Kabadong-kabado na si Eve, hindi na nagsasalita oh!" panunuya ni Lolo.


Nilingon naman ako ni Azriel at ngumisi pa ang loko.


"Umakyat ka na nang makababa ka kaagad! Huwag ka nang ngumisi-ngisi pa d'yan!" iritado kong sabi na ikinahalakhak niya at maski si Lolo't Lola ay tumawa na rin.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon