Kabanata 39

5.5K 71 0
                                    

Kabanata 39


Own


Matapos kong tumingkayad upang palatakan ng isang halik ang labi ni Azriel kanina ay kaagad niya itong sinuklian ng malalalim na mga halik at ang mga sumunod na nangyari'y sadyang pumagod sa aming dalawa.


Nagising na nga lang ako kani-kanina na nasa kama na kami, parehas ng may saplot at nakayakap na siya ng napakahigpit sa akin.


"Gusto ko nang kumain," bulong ko naman na kay Azriel na nakasubsob pa rin ang mukha sa aking dibdib.


"Hmm, what do you want to eat? I'll cook for you," sagot niya kaagad bago siya tumungo.


"Pancakes," I answered.


"Pancakes lang? Wala ka ng ibang gusto?"


"Wala na," sambit ko naman na tuluyan nang nagpabangon sa kaniya.


"Alright. Just wait for me here, then. Dadalhin ko na lang dito ang pagkain natin pagkatapos kong magluto," aniya na ikinakunot kaagad ng noo ko dahil handa na rin sana akong bumangon.


"Sa baba na lang tayo kumain," kontra ko.


"Nah, you'll stay here, Eve. Hindi ka bababa ng gan'yan ang suot mo," sambit niya kaya't napaupo na muna at napatingin tuloy saglit sa suot ko para malaman ko kung ano bang problema bago ako muling tumingin sa kaniya.


Masyadong malaki ang damit na isinuot niya sa 'kin, halos papasa na nga atang dress kaya kapag tumayo ako ay halos hindi na mahahalata na may suot pa akong black boxer shorts.


I am very sure that he doesn't want his cousins or any man to see me dress like this, kaya gusto niyang dito na muna ako sa kwarto niya.


"Mamaya ka na lang bumaba kapag nakakain na tayo at nakapagpahanap na ako ng damit ni Mama na kakasya sayo," dagdag pa niya bago niya hinalikan ang aking noo at umalis na.


Sinundan ko na lang tuloy siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya.


Nang maisara niya naman na ang pinto ay inabot ko na ang sling bag ko na nasa ibabaw ng nightstand at kinuha ko na ang cellphone ko sa loob para sana matawagan ko sina Lola pero ubos na pala ang battery kaya nilapag ko na muna ito kama at tumayo na 'ko upang maghanap ng charger kaso nga lang ang nakakuha ng atensyon ko ay ang umilaw na cellphone ni Azriel na nasa ibabaw ng round table kaya't iyon muna ang kinuha ko.


Bumungad sa akin ang notification ng text galing kay Lucien at ang natutulog kong pagmumukha na nasa lockscreen.


Pamilyar ang damit na suot ko sa litrato. Kung hindi ako nagkakamali ay ito yung huling gabi naming magkasama sa Australia.


Siguro'y naisip niya talaga na baka iyon na ang huling beses na makikita niya ako kaya't nilitratuhan niya na ako.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon