Kabanata 33

4.6K 54 1
                                    

Kabanata 33


Punishment


"Nasa labas pa rin sila Azriel," panglabing-isang bulong na sa akin ni Linsey. 


Matapos kong magwalk-out kanina, sinundan niya ako at nitong tatlong magkakapatid na Fernandez de Garcia dito sa chapel pero ilang oras na ang nakakalipas, ni isa sa kanila ay wala pa rin akong kinakausap. Maski sila Lola ay nag-aalala na sa pananahimik ko. 


I decided to keep my mouth shut because I can't control my emotions anymore. Pakiramdam ko'y kapag nagsalita na naman ako, sasabog lang ako. 


I am a fucking mess right now. 


"Pinapapasok ko sila pero ayaw nila. Gusto yata ni Azriel ay ikaw mismo ang magpapasok sa kanila dito," bulong ulit ni Linsey. 


"Hayaan mo na muna ang pinsan mo, Miss," sabat naman bigla ni Ivan na nasa likuran namin. 


"Shut your mouth," sabay na saway naman ni Doc Xian at Leon sa kapatid nila. Magkakatabi silang tatlo at kanina ko pa rin sila naririnig na nagbabangayan. 


Napailing na lang tuloy ako ng wala sa oras bago ko kinuha ang cellphone ko sa aking sling bag para sana matingnan saglit ang oras ngunit pagkabukas nito'y isang text message na galing sa numerong pang-ibang bansa ang unang nakapukaw ng pansin ko.


I immediately opened it. 


From: Unregistered Number

Eve, this is Zimon. You need to go back here in Australia right now. Your father needs you. He has terminal cancer.


"Eve, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Linsey sa akin dahil biglaang bumuhos ang mga luha ko.


"E-everything," sagot ko sa basag na boses bago ko tinawagan ang numerong ginamit ni Zimon.


It's ringing, but he's not answering. 


"Come on, pick up your damn phone!" frustrated kong sigaw kaya't napatingin na silang lahat sa akin. 


"She's losing her sanity now," narinig kong anunsyo ni Charlotte. 


Napunta naman kaagad sa kaniya ang tingin ko dahil sa sinabi niyang 'yon. 


"And you will lose yours too if you'll not keep your mouth shut," may galit kong sabi sa kaniya bago ko sinubukang tawagan ulit si Zimon. 


After a couple of rings, he finally answered.


"How's my father's condition?" bungad ko kaagad sa kaniya habang pilit kong pinapalis ang luhang patuloy lamang sa pagtulo. 


"Ayos pa naman siya sa ngayon kaya susunduin na kita para maabutan mo pa siyang buhay," he immediately replied. 


Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon