Kabanata 23

4.5K 63 12
                                    

Kabanata 23


Next Time


Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong umupo sa aking tabi.


"You made her cry, asshole. Hindi rin 'yan kumain at uminom ng gamot," boses 'yon ni Creed.


Hindi ko na kailangang imulat pa ang mga mata ko para kumpirmahin kung sino ang nasa tabi ko ngayon na sinisermunan ni Creed.


"Aksidente nga lang kaming nagkita ni Eunice sa resto na 'yon. After ten minutes, iniwan ko na rin siya doon," paliwanag ni Azriel at naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa aking buhok.


"Huwag ka sa akin magpaliwag, gago," sambit naman ni Creed.


"Mas gago ka. Huwag kang papatalo," Azriel countered.


"Ewan ko sayo, Azriel. Aalis na ako. Gisingin mo na si Eve, para makakain at makainom na siya gamot. Nasa kusina yung soup. Initin mo na lang," sagot naman ni Creed bago ko narinig ang pagbukas-sara ng pinto.


"Ihahatid ko lang 'yon sa baba. Babalik ako," bulong naman ni Azriel sa akin na para bang alam niyang gising na ako.


Hindi ako sumagot at hinayaan ko na lang siyang sundan ang pinsan niya.


Nang masigurado kong wala na siya ay doon ko pa lang iminulat ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal na muna ako sa headboard ng kama.


Tahimik lamang akong naghintay hanggang sa bumukas na ulit ang pinto at iniluwa na nito si Azriel. Nang magtama ang paningin naming dalawa ay tila napalunok siya ng wala sa oras.


"How's your flight?" I asked him casually.


He looked taken a back by that question. Bakit? Ano bang inaasahan niyang una kong itatanong?'


"It's fine," malumanay niyang sagot bago siya naglakad palapit sa akin.


Sa bawat hakbang niya ay ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Gusto ko siyang yakapin kaagad pero ayaw makisama ng katawan ko, tila napako lamang ako dito sa pwesto ko.


"I'm sorry," sambit niya naman nang nakaupo na siya sa tabi ko.


"For what?" I asked him with a hoarse voice.


Lumala na yata talaga ang lalamunan ko.


"For making you cry," baritono niya nang sagot at akmang hahawakan niya ang kamay ko nang kaagad ko itong inilayo sa kaniya.


"It's okay," sambit ko naman habang pinipilit kong ngumiti.


"Mukha namang nag-uusap lang kayo sa picture na sinend sa akin ni Zimon. Nagulat lang siguro ako kaya ako umiyak," dagdag ko pa.


Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon