Kabanata 13

4.6K 57 18
                                    

Kabanata 13


Slap


Bumilis ang takbo ng oras at nagulat na lang ako na halos isang linggo na ulit ang tinagal ko dito sa Surigao.


Hindi ko na siguro napansin dahil paulit-ulit lang din naman ang nangyayari sa mga araw ko dito.


"Naiinis ako," pagmamaktol bigla ni Linsey bago niya ininom ang kapeng tinimpla ko para sa kaniya.


"Bakit?" tanong ko tuloy kaagad dahil sobrang nakabusangot talaga ang pagmumukha niya.


"Sagad na ang pasensya ko sa mga kapatid mo, Eve. Inis na inis na ako sa kanila. Bakit ba kasi ayaw ka pa rin nilang papasukin sa kwarto ni Tita? Palayasin ko sila dito e," iritado niyang sagot kaya't napabuntong hininga naman ako.


"Hayaan mo na," walang gana ko namang sagot na ikinasimangot niya lang lalo.


Ilang beses ko na kasing sinubukan na alagaan ang nanay ko pero kung hindi sina Charlotte at Charlene ang pumipigil sa akin ay ang magaling namang asawa ni Mommy.


Hindi ko alam kung may saltik silang tatlo. Gusto ko lang namang alagaan ang nanay ko pero tutol na tutol sila. Leche.


"Good morning," sambit naman bigla ng isang boses kaya't halos mapamura na lang ako ng wala sa oras.


Nandito na naman si Azriel.


"What the hell are you doing here? Hindi ka pa rin ba nadadala sa pagtataboy ko?" iritado kong tanong sa kaniya bago ako tumayo mula sa pagkakaupo.


Sa loob ng halos isang linggo ko dito ay pinanindigan niya ang panliligaw sa akin kahit na palagi ko lang siyang itinataboy.


"Eve, kumalma ka nga," sambit sa akin ni Linsey pero hindi ko siya pinakinggan at iritado akong lumapit kay Azriel.


"Did I ruin your morning again?" he asked with his baritone voice.


"Hindi ba obvious?" sagot ko naman pero ngumiti lang siya ng nakakaloko.


"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? Umalis ka na hangga't hindi pa ako tuluyang naiirita," pagtataboy ko naman sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagpatinag.


"You're really beautiful when you're mad," sagot niya lang kaya't hindi na ako nagdalawang isip na hilahin siya palabas ng bahay.


Nagpatianod naman siya sa akin at animo'y tuwang-tuwa pa siya dahil hawak ko ang kaniyang braso.


"Go home, Engineer Montegrande. Sinasagad mo na ang pasensya ko," sambit ko at binitawan ko na rin kaagad ang braso niya dahil nandito na kami sa labas.


"Kahit paalisin mo pa ako ng paulit-ulit. Babalik at babalik lang din ako sayo," sagot niya kaya't halos mapasabunot na ako sa aking buhok.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon