Kabanata 15

4.8K 61 5
                                    

Kabanata 15


Dip


Matapos naming kumain ni Zimon ay inaya niya na ako sa suite para makapagpahinga na muna daw ako. Hindi na ako nagprotesta dahil ramdam ko na rin ang pagod.


"Nasa kabila lang ako. Call me if you need something," malambing niyang sambit at akmang hahalikan niya ang noo ko nang sinamaan ko siya kaagad ng tingin.


"Subukan mo lang," seryoso kong sambit na ikinatawa niya naman.


"Chill. I'm just testing you, Eve. Akala ko makakalusot," sagot niya na mas ikinasama ng tingin ko sa kaniya.


"We're over, Zimon. Nandito lang ako dahil inutos ni Daddy kaya umayos ka. Uuwi na rin ako bukas sa Surigao," I replied.


"Bukas kaagad?" kunot-noo niya namang tanong.


"Oo," tipid kong sagot dahil ayoko kasi talagang manatili dito ng matagal kasama siya kahit na mas madadalian akong pakisamahan siya kaysa sa mga kapatid ko.


Napatango na lang naman siya bago siya tuluyang umalis kaya't sinara ko na ang pinto at dumiretso na ako sa kwarto para makahiga na muna ako.


Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng silid at kung ako ang tatanungin, sobrang laki nito para sa isang tao, pero ayos na din, kaysa naman magsama kami ni Zimon sa iisang suite diba?


Maya-maya pa ay bahagya na naman akong inantok kaya't kahit na natulog lang ako sa buong byahe papunta dito ay umidlip pa rin ako at nagising na lang ako na alas-sais na ng gabi.


Dumiretso na lang muna ako sa banyo para makaligo at halos dalawang oras din siguro ang nakalipas bago ako natapos at nakapagbihis.


"Ano na ngayon ang gagawin ko dito?" walang gana kong tanong sa sarili ko at akmang magsusuklay na sana ako ng biglaang nag-ingay ang cellphone ko kaya't kinuha ko na muna.


Nang makita kong si Zimon ang tumatawag ay napairap ako kaagad. Manong pinuntahan niya na lang ako dito kaysa tumawag pa siya. 


"What do you want?" tanong ko naman sa kaniya pagkasagot ko sa tawag. 


"Nasa labas ako ng suite mo, tinatamad akong kumatok," dire-diretso niyang sagot bago niya biglang ibinaba ang tawag kaya't napailing na lang ako ng wala sa oras bago ako lumabas ng kwarto at pumunta na ako sa pinto para pagbuksan siya.


"Isang araw ka lang dito kaya susulitin ko na. Let's swim," bungad niya kaagad sa akin.


Tatanggi sana ako dahil kakaligo ko lang tapos maliligo na naman sa pool pero naisip kong wala rin naman pala akong gagawin dito sa suite.


"Sige, teka lang. Magbibihis muna ako. Pumasok ka na muna," pagpayag ko na lang tuloy.


"Ayos na 'yan," sambit niya at tiningnan niya pa talaga ang suot ko.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon