Kabanata 11

4.9K 59 13
                                    

Kabanata 11


Present


Halos maibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa init. Bangag na bangag pa ako dahil pinilit ko lang na tumayo sa kama kahit na sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko.


"Ayos ka lang?" tanong kaagad sa akin ni Linsey na kakatapos lang magluto ng agahan naming lahat.


"I'm fine. Napaso lang ako," sagot ko naman na ikinatango niya pero napakunot ang noo ko dahil naghahain na siya.


Kaming dalawa pa lang ang nandito sa kusina.


"Should I wake them up?" tanong ko naman na nagpatigil sa kaniya.


"Gusto mong sapakin kita?" tanong niya naman pabalik na mas nagpakunot sa aking noo.


"Eve, ayokong makasabay yung mga hilaw mong kapatid, okay? Kaya mauuna na tayong kumain," dagdag niya pa.


Hindi ko alam kung mapapailing ba ako o matatawa na lang. Ako dapat ang tinatawag niyang hilaw dahil ako naman ang anak sa labas.


"Natahimik ka bigla diyan," puna niya sa akin bago siya naupo at nagsimula nang kumain.


"May naalala lang ako," pagsisinungaling ko.


"Ano naman yung naalala mo?" tanong niya naman kaagad.


"It's nothing. Nasaan nga pala si Tita Yolly at Tito Venancio? Pagkadating ko kahapon ay wala naman sila dito," pag-iiba ko na lang sa usapan.


"Nasa Davao. May trabaho doon si Papa," sagot naman ni Linsey kaya't napatango na lamang ako.


Habang kumakain kaming dalawa ay pinagkwento niya na lang ako ng mga pinagkaabalahan ko sa Australia sa loob ng apat na taon.


Wala naman akong ibang ginawa doon kundi ang mag-aral, makipagrelasyon sa iba and when I turned eighteen, I started to drink to forget a lot of things. 


"Saglit lang. Sinasabi mong medyo marami kang naging boyfriend doon? Mga ilan?" tanong niya bigla kaya't napatigil ako sa pagkukwento.


Sa lahat yata nang sinabi ko, doon lang siya naging interesado. 


"Ten or nine," tipid ko namang sagot na kinamilog kaagad ng mga mata niya. Animo'y gulat na gulat siya. 


"Hindi nga?" pangungumpirma niya pa.


Magtatanong tapos ayaw maniwala. Ano kaya 'yon?


"So, ang lahat ng 'yon, nahalikan ka o mas higit pa doon?" dagdag niya na halos ikasamid ko.


Ano bang klaseng tanong 'yan?


"Hanggang yakap lang silang lahat," seryoso kong sagot na ikinamangha niya naman.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon