Kabanata 34

4.6K 61 0
                                    

Kabanata 34


Shot


Hindi ko na nagawang sumunod pa sa hospital kahapon nang isinugod nila Lola doon si Daddy. Masyado na akong nawindang sa lahat ng nangyayari kaya't nanatili na lamang ako dito sa mansyon at hinintay sila.


Pasado alas-siyete na ng gabi nang makabalik sila. Gusto ko sanang kausapin kaagad ang tatay ko pero sinabihan ako ni Lolo na hayaan ko na muna 'tong magpahinga. Hindi naman na ako nagprotesta. Sumang-ayon na lamang ako at nagkulong sa kwarto buong magdamag. 


Sinubukan kong matulog para kahit papaano'y makapagpahinga na rin muna ako ngunit inabot na ako ng alas sais ng umaga ay mulat na mulat pa rin ang aking mga mata kaya't mas napili ko nang lumabas na ng kwarto at pumunta dito sa kusina para makapagluto ng almusal.


"Apo, anong ginagawa mo? Bakit ikaw ang nagluluto?"narinig kong tanong ni Lola na ikinalingon ko kaagad.


Base sa suot at itsura niya'y mukhang kagigising niya pa lang. 


"Itigil mo 'yan dahil hindi ikaw ang dapat na gumagawa n'yan!" dagdag pa niya bago siya tumawag ng dalawang kasambahay na mabilis namang nakarating dito sa kusina. 


"Ano pong kailangan niyo, Senyora?" magalang na tanong ni Ate Bernadette, one of our maids. 


"Kayong dalawa ni Cynthia ang magluto ng almusal. Magtimpla rin kayo ng dalawang kape at dalhin niyo 'yon sa hardin," my grandmother commanded. 


"La, ako na po ang magluluto," sabat ko naman kaagad na nagpatigil sa dalawang kasambahay sa paglapit sa akin.


"Hindi, Hija. Ipaubaya mo 'yan sa kanila," kontra ulit ni Lola kaya't humakbang ng muli si Ate Bernadette at Ate Cynthia palapit sa akin ngunit napatigil na naman sila nang magsalita ako. 


"I want to cook some breakfast, La. Hayaan niyo na po ako," sabi ko ngunit tinapunan niya ako ng napakalamig na tingin. 


Iyan ang tingin niya na nagsasabing huwag na akong magsalita pa.


"Bukas ka na magluto ng umagahan, Eve. Ipaubaya mo na muna sa kanila ngayon 'yan dahil kailangan nating mag-usap. Halika at sumama ka sa akin sa hardin," she replied with finality in her voice before walking away. 


Napakunot na lamang tuloy ang noo ko at napabuntong hininga ng wala sa oras bago ko sinundan si Lola. 


Nang makarating naman na kami sa malawak na hardin ay naupo na kami kaagad sa mahabang garden sofa. 


"Ano pong pag-uusapan natin, La?" I immediately asked her. 


"Yung tungkol sa hinihiling ng Daddy mo sayo kahapon," walang paligoy-ligoy niya namang sagot.


"Hindi mo ba talaga siya mapapagbigyan?" dugtong niya pa bago siya humarap sa akin upang magtama na ang paningin naming dalawa. 


Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon