Kabanata 35
Again
Puting kisame ang bumangad sa akin nang iminulat ko na ang aking mga mata. Iginala ko kaagad ang paningin ko bago ako bumangon mula sa pagkakahiga at napagtanto ko nang nasa hospital na ako dahil sa mga aparatong nakakabit sa akin.
Ilang minuto rin muna akong natulala hanggang sa dahan-dahan ng tumulo ang aking mga luha nang maalala ko na kung ano ang nangyari sa akin.
I almost died. I almost died because of my father...
Napapikit na lamang tuloy akong muli at hinayaan ko nang kumawala ang mga hikbi sa aking mga labi. Tumahan lamang ako nang narinig ko ang pagbukas ng pinto.
"Apo!" sigaw ni Lola at halos patakbo na siyang lumapit sa akin.
"Thank god! You're finally awake!" naiiyak niyang sabi bago niya ako niyakap ng napakahigpit.
Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang siya at hinintay ko na lamang na pakawalan niya ako.
"How are you feeling, Apo?" tanong niya naman ng tinanggal niya na ang yakap niya sa 'kin.
"Kamusta ang likod mo? Masakit ba? Ang ulo mo, kumikirot ba? Teka, tatawagin ko muna pala ang doktor mo!" dire-diretso niya ng sabi at aalis na sana siya kaagad nang mabilis kong nahawakan ang kaniyang braso.
"Calm down, Lola. I'm alright," malamig kong sabi.
"Mamaya niyo na po tawagin ang doktor. Mag-usap na po muna tayo. I wanna know what happened after my father shot me," dagdag ko pa bago ko tinanggal ang hawak ko sa kan'ya.
Hindi siya nakapagsalita kaagad.
Binalot na muna ng kalungkutan at pangungulila ang kaniyang mga mata bago niya nagawang ibuka ang kaniyang bibig.
"M-matapos ka niyang barilin, nahulog ka sa hagdan, Apo," panimula niya.
"Paakyat na dapat ako at ang mga guwardiya noong mga oras na 'yon pero natigilan kami ng unti-unti kang nahulog pababa. Everyone was unable to move, until we heard another gunshot," she added that made me balled my fist dahil parang alam ko na kung saan tumama ang isa pang bala.
"Y-your father shot himself in the head, Eve. Isinugod namin kayong mag-ama dito sa hospital pati na rin ang Lolo mo pero hindi na talaga kinaya ni Enrique," dagdag niya pa na ikinatulo na ng aming mga luha.
Both of my parents are gone now. How am I supposed to handle that?
"Noong mga oras na 'yon, hindi ko alam ang gagawin ko, Apo, dahil habang tinatanggal ng mga doktor ang bala sa balikat ng Lolo mo, naghihingalo ka naman," sabi niya at saglit niyang hinalikan ang aking noo.
"I thought, I'm going to lose you too, but thankfully, God, heard my prayer. Hindi ka niya kinuha, ang kaso nga lang ay inabot naman ng isang buwan bago ka nagising pero ayos na rin 'yon kaysa hindi," she added.