Kabanata 37

4.8K 64 3
                                    

Kabanata 37


Congrats


Malalim na ang gabi nang makalapag dito sa Maynila ang sinasakyan kong pribadong eroplano at nang makalabas na 'ko ng airport ay laking gulat ko nang makita ko si Creed na kakababa lamang sa isang Range Rover.


Nagulat din siya at halos ilang segundo muna niya akong tinitigan bago siya lumapit sa akin. Tila siniguro niya munang hindi siya namamalikmata.


"You're finally back," baritono niyang sambit at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.


"I hope you're okay now," dagdag pa niya.


Azriel probably told him about what happened.


"Yeah. I'm okay now," I replied softly before I hugged him back.


Tumagal kami sa ganoong posisyon ng halos limang segundo bago niya ako pinakawalan.


"Saan na ang punta mo ngayon?" he asked.


"Kay Azriel. Nasa condo lang naman siguro siya diba? I wanna surprise him," I immediately replied.


"He's not there, Eve. He's in Surigao," seryoso niyang sagot na halos ikalaglag ng panga ko ng wala sa oras.


Sana pala'y hindi ko na pinaiba ang destinasyon ng eroplanong sinakyan ko. Leche!


"Oh, a-alright. Akala ko kasi ay nandito siya sa Maynila kaya dito ako dumiretso," dismayado kong sabi.


Siguro'y maghahanap na lang ako ng malapit na hotel ngayon at doon na muna ako matutulog para bukas ay diretso na akong muli dito sa airport.


"I should get going now, Creed. I need to find a hotel. Bukas ko na lang pupuntahan ang pinsan mo," paalam ko na lang tuloy sa kaniya at hindi ko na talaga napigilang mapanguso't sumimangot.


Akala ko kasi'y mayayakap ko na si Azriel ngayong gabi. Bukas pa pala.


"By the way, it's nice to see you again, and have a safe flight," dugtong ko naman at akmang aalis na sana ako nang nahawakan niya kaagad ang aking braso.


"Hindi mo ba muna ako tatanungin kung saan ako pupunta?" tanong niya.


"Ayoko kasing maging usisera kaya—"


Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nang may mapagtanto na kaagad ako.


"You're going to Surigao, aren't you?" sambit ko na siyang ikinangisi niya na.


"Yup. Doon nga ang punta ko. Kaya sumabay ka na sa akin, nand'yan ang isa sa mga private plane ng pamilya natin," he replied.


Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon