Kabanata 1

10.6K 112 8
                                    

Kabanata 1


Innocent Manwhore


Nanatili lamang akong tahimik habang pinagmamasdan ko ang buong paligid at ang dalawang matanda sa aking harapan. They are my grandparents from my mother's side, at ito ang unang beses kong nakita sila sa personal.


Lumaki kasi ako sa Australia kasama ang tatay ko, samantalang bumibisita naman doon si Mommy isang beses sa isang taon kaya naisipan kong magbakasyon muna dito sa Pilipinas para makasama ko ang nanay ko ng mas matagal pati ang iba pa naming mga kamag-anak.


Pumayag naman si Daddy at pinahatid niya pa ako sa sekretarya niya na umalis na rin naman kaagad kani-kanina matapos akong maihatid dito sa Surigao.


"Apo, ayaw mo ba kaming yakapin?" pambabasag na sa katahimikan ni Lolo Alejandro.


Napakurap-kurap naman muna ako bago ako nag-aalangang tumayo para mayakap sila.


"Pasensya ka na at ganito lang ang bahay namin," sambit naman bigla ni Lola Sanya matapos ko silang yakapin.


Kaagad naman akong umiling dahil wala namang kaso sa akin na hindi kasing laki ng bahay na nakasanayan ko ang pansamantalang titirhan ko dito.


"Okay lang po 'tong bahay. Mas maganda nga po yung ganito. Simple at malapit lang sa dagat," sagot ko naman bago ako ngumiti.


"Napakabait namang bata. Manang-mana ka sa Mommy mo," puri naman ni Lolo.


"Salamat po pero nasaan na nga po ba si Mommy?" tanong ko na bahagya nilang ikinatigil.


Teka, may mali ba sa tinanong ko?


"Hindi niya ba nasabi sayo?" tanong naman ni Lola kaya't kumunot na ang aking noo.


"Ang alin po?" I replied.


"Nasa Maynila siya. Doon muna siya nagtatrabaho," sagot naman ni Lolo na medyo ikinagulat ko dahil ang alam ko'y nandito lang sa Surigao si Mommy.


"Pero huwag kang mag-aalala, uuwi din naman siya dito," dagdag naman ni Lola kaya't pinilit ko na lamang ngumiti ulit.


Iniba na lang nila ang usap dahil mukhang napansin nilang nag-iba ang timpla ko. Halos ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan hanggang sa inaya na nila akong mananghalian dito sa kusina. Dumating na rin kasi ang ate ni Mommy.


"Napakaganda pala ng anak ni Althea!" sambit ni Tita Yolly matapos kong magmano sa kaniya.


"Ilang taon ka na, hija?" tanong niya pa sa akin.


"Sixteen po," magalang ko namang sagot bago ako naupong muli sa isa sa mga bangkuan.


"Kaedad mo pala ang anak kong si Linsey," magiliw niyang sagot at tinawag niya na nga ang pinsan ko na nasa labas pa kasama ang tatay niya.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon