Kabanata 29

5.7K 78 3
                                    

Kabanata 29


Invited


"Mom, you should wake up," namamaos kong sambit habang nakayuko ako at hinahaplos ko ang namumutla niyang kamay. 


Halos isang linggo na ang nakakalipas simula nung unang beses namin siyang binisita dito pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.


Araw-araw, pagkatapos akong sunduin ni Azriel sa university dumidiretso na kami dito para makita ko ang lagay niya kahit na araw-araw din akong tinataboy ng dalawa niya pang anak.  


Buti na nga lang ay pinauwi na muna yung dalawang 'yon ng manyak nilang tatay kahapon sa Surigao kaya't si Linsey na lang ang natira ditong nagbabantay kay Mommy.


"Eve," sambit naman bigla ni Azriel sa pangalan ko kaya't nag-angat na kaagad ako ng tingin. 


Hindi ko na namalayan na nakatayo na pala siya dito sa gilid ko. Nakaupo lang kasi sila ni Linsey sa sofa kanina. 


"Bakit?" tanong ko.


"I need to go back to office," baritono niyang sabi ngunit hindi ko 'yon inintindi at dumako ang tingin ko sa pagod niyang mga mata. 


I should take care of him later. Ipagluluto ko siya mamaya kapag umuwi na kami sa condo. Alam kong bukod sa kompanya nila, iniintindi niya rin ang lagay ni Mommy. 


"May nakalimutan lang akong pirmahan na mga papeles," he added before placing a soft kiss on my forehead.


Siguro'y nakalimutan niya 'yong pirmahan dahil nagmamadali siyang sunduin ako sa university kanina.


Tatalikod na sana siya nang hinablot ko naman kaagad ang dulo ng suot niyang puting polo.


"Ihahatid kita sa parking lot," sabi ko bago ko maingat na binitawan ang kamay ni Mommy para makatayo na muna ako.


"Huwag na. Stay here with your mother," sagot niya at bahagya pa siyang sumulyap kay Mommy na mahimbing pa ring natutulog.


"You sure?" malambing kong tanong at tinanggal ko na ang hawak ko sa kaniyang damit.


Tumango naman siya bago niya marahang hinapit ang bewang ko.


"Babalik din ako kaagad," bulong niya at tuluyan niya na nga akong niyakap ng napakahigpit.


Ilang segundo pa kaming nagyakapan hanggang sa bigla na lang naming narinig ang eksaheradong pag-ubo ni Linsey kaya't pinakawalan na ako ni Azriel.


"Alis na ako," paalam niya sa akin.


"Ingat sa pagmamaneho," sambit ko naman na ikinatango niya.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon