Kabanata 36

4.8K 63 1
                                    

Kabanata 36

Overcame

Nanatili akong nakapangalumbaba sa mesa habang nakikipagdebate sa sarili kung iinumin ko pa ba ang pangatlong bote ng whiskey o matutulog na dahil alas tres na rin ng madaling araw at lumalalim na naman ang pag-iisip ko tungkol sa nangyari sa akin sa nagdaang dalawang taon.

Noong umalis ako dito sa Australia, matapos akong payagan ng doktor na lumabas na ng hospital ay nagpahinga lamang ako ng isang araw sa bahay na binili ni Azriel bago ako tuluyang pumunta sa Spain.

Nanatili ako sa Españya ng halos dalawang buwan. Doon ko binuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Gabi-gabi, pag-iyak ang naging pampatulog ko. Gabi-gabi, nagsisisi ako na hindi ko napatawad ang nanay ko noong buhay pa siya. Gabi-gabi, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Daddy.

I was so lost, and I don't even know how can I heal myself that time. I almost gave up. I almost kill myself while I'm in Madrid, but I remembered my promise to Azriel.

Nangako ako sa kaniya na babalikan ko siya kapag ayos na ako at ayokong sirain yung pangako na 'yon kaya't nagpasya akong dito ko na lang bubuuin ang sarili ko sa Australia.

I bought a small house in Melbourne, and started to fix myself. at laking pasasalamat ko na hinayaan lang naman ako nila sa lahat ng gusto kong gawin.

Hindi ko na muna pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Nagtrabaho na lamang muna ako bilang waitress sa isang restaurant tuwing weekdays at kapag weekends naman ay cashier ako sa isang bookstore. Isinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho hangga't kaya ko dahil kung ibubuhos ko lang ulit ang lahat ng nararamdaman ko tulad ng ginawa ko noong nasa Spain ako, malulunod lang akong muli sa sakit.

I learned that I should not let the pain control my life. I also stopped blaming myself for what happened to my father because that is not really my entire fault, and about my mother, I realized that even if I didn't have the chance to tell her that I forgave her while she's still alive, naiparamdam ko naman sa kaniya na pinapatawad ko na siya noong mga oras na nasa hospital pa siya.

Sa nagdaang dalawang taon, napakarami ko na talagang nagawa para sa sarili ko at napagtanto, marami rin akong natutuhan, mas tumibay pa ang pananalig ko sa nasa itaas, at nagtagumpay na rin akong buuin ang sarili ko kaya nga noong isang linggo, nakabalik na ako dito sa mansyon.

"Wala ka bang planong matulog, Azalea Eve?" tanong bigla ng isang tinig kaya't naputol na ang pag-iisip ko at awtomatiko na akong napatingin sa nagsalita.

Napakunot naman kaagad ang noo ko nang makita ko si Lolo.

Why is he still awake?

"Madaling araw na. Hindi ka pa ba inaantok?" dagdag pa niya bago siya humakbang palapit sa akin kaya't tuluyan na akong tumayo at humarap sa kaniya.

"Matutulog na rin po ako maya-maya. Marami lang po akong iniisip," diretso kong sagot nang makalapit na siya sa akin.

"Isa ba sa mga iniisip mo si Azriel?" he asked before smiling.

Kaagad naman akong tumango.

"Hmm, you miss him?" he added.

"I miss him so much, Lo," diretso kong sagot na ikinalawak lalo ng kaniyang ngiti bago siya humakbang palapit sa isa sa mga upuan at naupo na.

"Kung namimiss mo na, puntahan mo na sa Pilipinas, Apo. Paniguradong sabik na sabik na siyang makita at makasama kang muli," he said.

"By the way, did you already call him?" tanong pa niya na ikinailing ko.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon