Wakas

9.4K 141 25
                                    

Wakas


I am really an impatient person and I hate waiting before, but when she came into my life, she taught me how important being patient is.


"Why did you asked that little girl if she's new here, Azriel? Interesado ka ba sa batang 'yon?" diretsong tanong sa akin ni Creed habang pinagmamasdan naming makalayo ang tinutukoy niya at ang apo ni Manong Alejandro na si Linsey.


"Huwag mong sabihing oo dahil ilulunod talaga kita d'yan sa dagat ngayon din," dagdag pa niya kaya't napabaling na ako sa kaniya.


"Hindi ako interesado sa mga bata, Creed Harris," malamig kong sagot sa kaniya bago ako naunang naglakad papunta sa hagdanang bato upang makabalik na sa mansyon.


But what I've just said to my cousin didn't sit right with my feelings.


Buong gabi akong hindi napakali sa kakaisip sa napakasungit na batang 'yon.


I wanted to apologize because I realized that I was a bit rude to her kaya't kinaumagahan, pagkatapos kong mag-almusal ay nagpasya na akong pumunta sa bahay ng mga Ignacio para itanong kay Linsey kung saan nakatira ang kasama niya kahapon sa dalampasigan.


Nagdala pa nga ako ng breakfast. Pang peace offerring.


Nang makarating naman na nga ako sa bahay nila ay doon ko na nalaman na pinsan pala ni Linsey ang masungit niyang kasama kahapon.


"Nagising mo na ba si Eve?" tanong ni Manang Sanya sa kaniyang apo nang palapit na itong muli sa amin dito sa salas.


"Opo, nagising ko na. Lalabas na 'yon sa kwarto niya maya-maya," she replied before smiling at me.


Nginitian ko na lang din naman siya na awtomatikong ikinapula ng kaniyang pisngi.


"Kung ganoon, ilagay mo na muna sa kusina 'tong dalang umagahan ni Azriel," utos ni Manang Sanya at tinuro niya ang dala kong paperbag na nasa ibabaw ng coffee table.


"Tapos manguha ka ng pera sa taas ng ref at bayaran mo yung binili ko kagabi kay Nancy," she added na sinunod naman kaagad ni Linsey kaya't kaming dalawa na lang muli ang nandito sa salas.


Nagkuwentuhan na lang naman muna kami at nang makalipas ang ilang minuto'y nagpunta na dito sa salas ang hinihintay ko.


"Good morning po," bati ng isang pamilyar na boses na nakaagaw na ng atensyon namin ni Manang Sanya.


"Magandang umaga rin, apo. O siya, ikaw na ang bahala sa bisita mo, ha? Maiwan ko na muna kayo. Si Linsey, inutusan ko lang saglit," her grandmother replied to her.


Halatang gusto niya sanang magprotesta ngunit hindi niya na nagawa dahil kaagad na kaming iniwan ng Lola niya.


"What are you doing here?" malamig niyang tanong sa akin ngunit imbis na sagutin ko ang tanong niya'y nagtanong lang din ako.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon