Kabanata 6

6.1K 80 8
                                    

Kabanata 6


Manila


Pagkauwi ko kahapon sa bahay matapos naming mag-yate nila Kuya Azriel ay nagulat akong may padespidida pala sila Lola para sa akin. 


Sinulit namin ang huling gabi ko sa Surigao, at kanina'y hinatid din nila ako sa airport kaya ngayong nasa himpapawid na ako patungong Maynila ay unti-unti ko nang nararamdaman ang lungkot. 


I already missed them.


Napatitig na lang tuloy ako sa bintana ng eroplano na para bang matatanaw ko pa sila Lola.


"Eve, you should sleep. Gigisingin na lang kita mamaya," sambit naman ni Kuya Azriel na katabi ko kaya't napabaling ako sa kaniya. Wala na siyang lagnat ngayon kaya't bahagyang nabawasan na rin ang iniisip ko.


"I don't want to," mahina kong sagot at akmang ibabalik ko na lang sana ulit ang atensyon ko sa bintana ng may bigla siyang itinanong.


"Saan kita ihahatid mamaya pagdating natin sa Manila? May titirhan ka na ba do'n?" tanong niya na bahagya kong ikinagulat.


Ngayon ko lang naaalala. I forgot to call my father yesterday! Hindi ko naitanong kung saan ako titira habang nasa Maynila ako.


"Wala pa ba?" dagdag niya tuloy na tanong dahil hindi ako sumasagot. 


"Kung wala pa. You can stay in one of my condos," aniya na kaagad ko namang ikinailing. 


"Hindi na. I'm just going to call my Dad. Paniguradong may bahay na siyang nahanap na tutuluyan ko," I replied. 


"Paano kung wala pa?" he asked seriously. 


"Edi sa hotel muna ako?" sambit ko naman. 


"You're a minor, Eve. Hindi ka papapasukin sa hotel," he replied.


"Edi hihintayin ko na lang na maihanap na ako ni Daddy ng bahay," sagot ko na lang at ngumiti pa ako. 


"Please, don't be so stubborn."


"Just accept my offer," dagdag niya pa.


"Salamat na lang pero hindi ko talaga matatanggap 'yang inaalok," tipid kong sagot na halatang ikinairita niya.


Iniisip ko pa lang kasi na baka malaman ng pamilya niya na nakikitira ako sa condo niya, nahihiya na ako.


"Give me an acceptable reason why you can't accept my offer, then. Wala ka na ngang tutuluyan, ayaw mo pang tanggapin," may diin niyang sambit.


"I don't want to accept your offer because I don't want anyone to think that I am taking advantage of your kindness," paliwanag ko na ikinasingkit kaagad ng kaniyang mga mata.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon