Kabanata 25

4.7K 61 0
                                    

Kabanata 25


Eris


Almost a week had passed since I made love with my engineer, and until now, I'm still thinking about it.


Dumumi na yata talaga ang utak ko, leche.


"Eve, nandiyan na yung sundo ko sa baba. Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" biglaang tanong ni Bianca kaya't natauhan na ako.


Uwian na nga pala.


"Uuwi na rin. Tara na," sagot ko naman bago ako tumayo at isinakbit ko na ang bag ko sa aking balikat.


"Ayos ka lang ba? Nakatulala ka lang kanina," puna niya nang palabas na kami ng classroom.


"May iniisip lang," I replied before smiling.


Tumango naman siya at tahimik na nga kaming bumaba sa hagdan at dumiretso na rin kami kaagad sa parking lot ngunit nang mapansing kong wala pa ang kotse ni Azriel ay bahagyang napakunot ang noo ko.


Where is he? Hindi niya ba ako susunduin ngayon?


"Eve, may sasabihin pala ako," narinig ko namang sambit ni Bianca kaya't napabaling na muna ako sa kaniya.


"What is it?" tanong ko.


Hindi siya nakasagot kaagad at halatang nagdadalawang isip pang magsalita. May problema ba?


"Bianca, ano kako yung sasabihin mo?" I asked again.


Napakamot na tuloy siya sa kaniyang ulo at napahinga pa nang malalim bago sumagot.


"K-kapag wala ka naman ginagawa, punta ka sa amin. My parents want to see you in person," medyo nahihiya niyang sagot na bahagya kong ikinatawa.


Akala ay kung ano na. Iimbitahan lang pala akong pumunta sa kanila.


"Sure. Gusto ko na rin naman silang makilala para may pagsusumbungan ako kapag may ginawa kang kakaiba," I replied while smiling.


Napanguso naman siya dahil sa sinabi kong 'yon.


"Edi dapat makilala ko rin ang mga magulang mo para may pagsusumbungan din ako," sambit niya na awtomatikong ikinapawi ng ngiti sa aking mga labi.


Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa pamilya ko.


"Hindi na kita maipapakilala sa kanila e," sagot ko na nagpasalubong sa kaniyang mga kilay.


"What do you mean by that, Eve?" she asked seriously.


"I already cut my ties with my parents, Bianca. Parehas na kasi silang may pamilyang iba," diretso kong sambit na siyang bahagya niyang ikinatigil.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon