Kabanata 2

9.6K 119 7
                                    

Kabanata 2


I Should


Nang makauwi na kami sa bahay ay akala ko'y hindi na ako papansinin ni Linsey pero mas kinulit niya pa ako. Bahagya na akong naiirita pero hinahayaan ko na lang. 


"Eve, ikaw talaga ang bulag sa ating dalawa," sambit niya na ikinailing ko na lamang. 


"Maghiwa ka na lang din diyan," sagot ko naman at inabot ko na sa kaniya ang carrots. 


Inaya ko kasi siyang tulungan namin si Lola dito sa kusina para maalis na muna sa utak niya ang Azriel na 'yon. 


"Ano ba 'yang pinagtatalunan niyo?" tanong naman bigla ni Lola sa amin kaya't kapwa kami natigilan ni Linsey. 


"Saka saan ba kayo galing kanina?" she added.


"Binisita ko lang po ang mapapangasawa ko," nakangising sagot ni Linsey kaya't nakatanggap siya ng kurot kay Lola. 


"Ang bata mo pa, Linsey!" sermon tuloy sa kaniya. 


"Age doesn't matter, Lola!" sambit naman ni Linsey kaya't muntikan na siyang hampasin ng sandok ni Lola.


"Montegrande naman po 'yon," dagdag ulit ni Linsey.


Kukurutin na sana siya ulit ni Lola pero nagtago na siya sa likod ko na ikinatawa ko na lamang. 


"Montegrande o Del Prado, napakabata mo pa para lumantod," seryosong sambit ni Lola pero hindi pa rin nagpatinag si Linsey. 


Talagang pinaliwanag niya pa kung gaano siya nababaliw sa lalaking 'yon kaya mas pinili ko na lang tapusin ang paghihiwa ng mga rekado kaysa pakinggan siya. 


"Pitong taon ang agwat sayo ng unang apo ng mga Montegrande kaya huwag ka nang umasa, Linsey," sambit pa ni Lola kaya't padabog ng umalis si Linsey. Pumunta muna yata siya sa salas.


"Wala na po bang hihiwain?" tanong ko na lang tuloy kay Lola at kaagad naman siyang bumaling sa akin. 


"Wala na, Hija," she replied while smiling. 


Tumango naman ako at naghugas na muna ako ng aking kamay. Gusto ko siyang panoorin na magluto kaya dito na lang muna siguro.


"Ayaw mong puntahan muna si Linsey? Mamaya pa ako matatapos dito," sambit ni Lola nang mapansin niyang hindi ako umalis dito sa kusina. 


"Papanoorin ko po muna kayo," magalang ko namang sagot na ikinatango lang ni Lola.


Tahimik ko lang siyang pinanood at sinaulo ko ang lahat ng ginagawa niya para kapag umuwi na ako sa Australia, makapagluto rin ako ng niluluto niya ngayon.

Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon