Kabanata 17
Reason
Pagkatapos kong tawagan yung room service ay kaagad na rin akong bumaba para makapunta na sa restaurant dahil baka mamaya'y nagkakainitan na doon sina Azriel at Zimon.
Pagkarating ko sa restaurant ay kaagad ko namang nakita kung saan sila nakapwesto kaya nilapitan ko na.
"She likes pancakes and fresh fruits for breakfast. Iyon na lang yung sa kaniya," sambit ni Zimon.
"Yes, she likes that, but she needs a hot soup right now, kaya iyon ang sa kaniya," kontra naman ni Azriel.
Mukhang hindi ata nila napansin ang pagdating ko.
"Mabubusog ba siya sa soup? Kasi kung ako ang tatanungin, hindi," nakangiti ngunit halata mo ang iritasyon sa boses ni Zimon.
"Matatanggal ba ang hangover niya sa pancake at fruits? Kasi kung ako ang tatanungin, hindi," nang-aasar na kontra naman ni Azriel.
Natigilan naman si Zimon. Hindi ko nga pala nasabi sa kaniya na nalasing din ako. Napailing na lang tuloy si Lucien at doon niya palang ako napansin.
"Tanungin niyo na lang kaya yung kakain?" sambit kaagad ni Lucien kaya't napatingin na sa akin si Azriel at Zimon.
"Eve, nandito ka na pala," sambit naman ni Zimon.
"Kanina pa," sagot ko naman bago ako naupo sa tabi niya at inilapag ko sa harap niya ang key card ng suite niya.
Sinasabi ko na nga ba at magtatalo sila. Tiningnan ko si Azriel at seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.
"Hindi pa ba kayo nakakaorder?" malamig kong tanong sa kanilang tatlo.
"Paano makakaorder kung pinag-aawayan nila ang kakainin mo?" sagot naman sa akin ni Lucien.
"Bakit ba kasi pinag-aawayan niyo ang kakainin ko?" medyo iritado kong tanong kay Zimon at Azriel.
"Hindi ka naman kasi mabubusog sa soup, Eve," sagot kaagad sa akin ni Zimon.
Hindi nga ako mabubusog pero iyo yung kailangan ng sikmura ko ngayon.
"Parehas ko na lang na oorderin para tumigil na kayo," sambit ko bago ako tumawag ng waiter.
After placing our orders, binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Si Lucien ay naninimbang kung magsasalita ba siya o hindi.
Bahagyang humilig sa akin si Zimon at mukhang may gusto siyang ibulong.
"May hangover ka din pala. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" mahina niyang tanong.
"Ayos naman na ako. Kailangan kitang asikasuhin dahil mas nalasing ka," seryoso ko namang sagot sa kaniya na ikinabuntong hininga niya na lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/217921065-288-k300462.jpg)
BINABASA MO ANG
Waiting for You (Surigao Series #2)
Storie d'amoreEngr. Azriel Easton A. Montegrande