Kabanata 3

5.9K 92 5
                                    

Kabanata 3


Friends


Nakaupo lamang ako sa dalampasigan habang pinapanood ko ang paglubog ng araw. Dalawang linggo na akong nandito sa Surigao pero wala pa rin ang nanay ko.


Paulit-ulit ko siyang tinatawagan nitong mga nakaraang araw pero hindi talaga siya sumasagot, siguro ay sobra siyang abala sa trabaho. Susubukan ko na lang siguro ulit na tawagan siya mamaya.


"Something's bothering you?" tanong ng isang pamilyar na boses.


Kumunot kaagad ang aking noo bago ako bumaling sa kaniya. Anong ginagawa niya dito?


Simula noong biglaan siyang umalis matapos naming mangisda ay hindi ko na siya nakita. Hindi na rin kasi ako sumasama kay Linsey sa tuwing inaaya niya akong pumunta sa parte ng dalampasigan na malapit sa mansyon ng mga Montegrande.


"You're staring at me, young lady," anunsyo niya kaya't kaagad akong nag-iwas ng tingin.


Hindi ko siya tinititigan. Natulala lang ako.


"Nandoon si Linsey sa loob. Puntahan mo," pagtataboy ko sa kaniya dahil gusto ko lang mapag-isa.


"Ikaw ang pinunta ko dito," sagot niya bago naupo sa tabi ko.


Hindi ko siya pinansin at nanatili lamang ang atensyon ko sa araw na unti-unti ng lumulubog.


"May problema ka ba? Tell me, makikinig ako," he suddenly said.


"Chismoso," I replied.


"I am not chismoso, Eve. I am just concerned," pagtatanggol niya kaaagad sa kaniyang sarili kaya't walang gana akong humarap sa kaniya.


"Umuwi ka na lang sa inyo, Kuya Azriel. I don't need your concern," malamig kong sambit sa kaniya na ikinaseryoso lang ng kaniyang mukha.


"Hindi ako uuwi. I want to stay here with you for a while," diretso niyang sagot bago siya tumingin sa dagat.


"Leche," bulong ko naman bago ako umirap sa hangin at tumingin na lang ako sa dagat.


Ilang minuto pa ang lumipas at ang tanging naririnig ko na lang ay ang tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan. 


Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko ng tumayo dahil gusto ko ng bumalik sa bahay ngunit may kamay kaagad na humawak sa akin.


"Let my hand go," utos ko ngunit hindi niya ako pinakinggan.


"Dito ka na muna. Tapusin na natin yung sunset," aya niya.


"Ayoko. Uuwi na ako," sambit ko naman at tinanggal ko na ang hawak niya sa kamay ko.


Waiting for You (Surigao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon