NAKAGAWIAN KO na ang tumitig sa kaniya sa malayo habang tahimik siyang pinagmamasdan dahil alam kong malabo ang pinapantasya ko. Kung magugustuhan man niya ako, isang himala iyon kung ituring. Pinanood ko siyang nagbabasa habang nakaupo sa lilim ng puno. I don’t know if what book he is reading, but his eyes were too focused on it. Sana ganiyan din niya ako balingan ng tingin. Bakit ba kasi patay na patay ako sa taong hindi rin naman pala ako gusto? Palagi na lang ganito ang issue ng mga kapuwa ko kababaihan. Samu't saring tanong na lang ang papasok sa isip mo. Bakit hindi ako crush ng crush ko? Kailan ako magugustuhan ng crush ko? Mga tanong na hindi masasagot nang maayos kung hindi mo susubukang sumubok.
“Uso ang lumapit, girl, kaysa sa tititigan mo na lang.”
Nagulat ako sa pagsulpot bigla ni Genesis sa aking tabi. Imbes na pansinin ko’t gatungan ang sinabi niya ay nangunot kunwari ang noo ko nang humarap ako sa kaniya.
“Sinong nagsabi na tinititigan ko siya?” maang-maangan kong tanong. Ibinaling ko ang tingin sa iniinom kong soft drinks habang naka-dekwatro dito sa food court. Kumagat ako sa kinakaing lumpiang shanghai at agad ko ring ibinalik ang tingin sa babaeng kararating.
Mabagal niyang itinaas ang magandang ahit ng kilay niya at tinapunan ako nang mapanuring tingin. Her baby blue eyes contact lens suits on her that it made her aura more fierce and sexy. She seems like pure American, but she’s literally eighty-five percent born as Filipino.
“Huwag mo nga akong lokohin. Kitang-kita ko iyang mga mata mong titig na titig.” Itinuktok niya nang mahina ang maliit niyang kamao sa aking noo sabay iling.
Ganoon na ba ako ka-obvious kapag gusto ko siya? Sa paraan pa lang ng titig ko, alam na niya? Napasinghap ako. Nahalata rin kaya ni Chrysler? Instead of teasing her, I asked her something that bothers me a lot.
“May girlfriend na ba siya?”
Tahimik kong ipinagdasal habang hindi inaalis ang tingin na sana wala pa siyang girlfriend dahil hindi ko makakaya kung mayroon. I’ve been stalking him for four years and counting, but I didn’t see him flirting with someone else.
Her eyebrows furrowed. “Ba’t ako ang tinatanong mo, ako ba siya?” pilosopong balik-tanong niya at inagaw ang iniinom ko.
“Updated ka kaya.” I rolled my eyes. Palagi niya akong binibigyan ng bagong updates patungkol sa kaniya. I have my own ways to keep myself updated, but I know my limitations. Hindi ako iyong klase ng babaeng kapag gusto ko iyong isang tao, mang-s-stalk na ako palagi sa kaniya. Tahimik lang akong nagpapantasya sa at taga-pakinig sa mga balita ni Genesis sa akin.
“Wow! So, tsismosa ako ganoon?” she asked, full of amusement like she’s not aware that she really is.
I shrugged my shoulders. Ibinalik kong muli ang tingin ko sa lalaking kasalukuyan pa ring abala ang mga mata niya sa librong hawak. Halos hindi siya gumagalaw sa posisyon niyang nakasandal sa puno ng mangga, nakaangat nang bahagya ang ulo at natatakpan ng libro ang kalahating mukha. Hindi ba siya nag-aalala na baka marumihan ang puting t-shirt niya? I bit my lower lip. He looks so sexy in his position anyway.
“Anong mayroon?” biglang tanong ng lalaking hindi ko napansin ang pagdating niya dahil naging abala muli ang mga mata sa pagsulyap sa lalaking gustong-gusto ko.
Siguro binabasa niya ay ang calculus book niya. Nagkibit-balikat ako sa naisip. Hindi ako pamilyar sa mga inaaral ng mga civil engineering student, pero ang alam ko may calculus daw sila at mahirap daw sabi ng karamihan. Biglang nailipat ang tingin ko nang kalabitin ako ng lalaking dumating.
Nangunot lang ang noo ko sa pagtataka nang iduro ni Genesis si Jazz saka naghihimutok niyang akusa, “Isa ka pa! Sasabihan mo rin akong tsismosa!”
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020