TITD43

49 4 0
                                    

“Kumusta ka na kaya?” pabulong kong tanong habang ang mga mata ko ay nasa bilog na mesa, kung saan nandoon ang phone ko katabi ng remote ng TV.

It's been one month that  I didn't see him and I didn't even try to text him. I will not deny the fact that I miss him. . . so much. Naghihintay ako ng chat niya, pero wala. Umaasa rin akong magpapakita siya sa akin, na susunduin ako at kahit kunwari ayaw ko siyang kasama ay tatawa lang siya at papasyal kami. Oras-oras kong inaabangan ang private message niya sa messenger na may lamang, "love, let's meet and tour", ngunit wala.

Napapaisip tuloy ako kung ayaw na niya sa akin. Mukhang sineryoso rin niya ang sinabi ko. Alam naman niyang nagbibiro lang ako n'ong araw na iyon.

Malakas akong bumuga ng hangin at humalukipkip akong sumandal. Wala tuloy akong kaide-ideya kung nasa Pilipinas pa ba siya o bumalik na sa Los Angeles. Kinausap siya siguro ni Jazz kaya hindi nagpapakita sa akin.

Kailan ba ako makatatanggap ng message sa kaniya? Gusto ko siyang kumustahin, pero pinipigilan ko ang sarili kong gawin ang bagay na iyon. Dapat siya ang maunang mag-text sa akin.

“Bukas na ang graduation,” wika niya dahilan para lingunin ko kung saan galing ang boses niya.

Nakita ko siyang nakaupo sa armrest ng couch, nakatitig itong nakangiti nang napakaliit. Ngunit, bakas ang kalungkutan sa kaniyang buong mukha.

Inalis ko ang pagkakahalukipkip at napatitig nang ilang segundo sa kaniya. Kahit ano talaga ang gawin ko ay hindi ako marunong basahin ang sinasabi ng mga mata ng isang tao.

“Yes, hindi ko aakalaing aabot ako sa graduation bilang accountancy student.” I smiled.

Humalukipkip siyang tumayo para umupo nang maayos sa couch. Kung babalikan ko ang mga nangyari sa akin noong freshmen pa lang ako, masasabi kong hindi maganda. Kinunutan ko siya ng noo, tinapik ang maluwang na space sa mahabang sofa na kinauupuan ko para sabihing tumabi siya sa akin, pero tiningnan lang niya ako. Ayaw ba niya akong tabihan? Nakalulungkot lang dahil sa isang buwan na lumipas ay walang nagbago sa amin ni Jazz. Parang mas lalong naging awkward para sa akin ang mag-usap nang matagal at ang lumabas ng magkasama.

Sinusubukan ko naman gawin ang dapat kong ipakita o gawin bilang girlfriend niya, pero parang hindi siya masaya.

Tumikhim siya dahilan para umupo ako nang matuwid. Pakiramdam ko ay kanina pa siya nakatitig sa akin at sa mga sandaling ito lamang siya naglakas ng loob para umimik. Ano kayang tumatakbo sa isip niya?

“You're thinking about him,” wala sa timing niyang sabi kaya napalunok ako at naging bato ako sa aking kinauupuan. Nababasa ba niya ang isip ko? Umiling ako para itanggi.

“Hindi siya ang iniisip ko.” Itinuon ko sa throw pillow na nasa aking tabi ang tingin at ipinatong ko pa ang kamay roon upang sa ganoon ay wala siyang sabihing iba. Tinapik-tapik pa nang mahina kaya nagkaroon ng ingay ang buong sala.

“Why do you love him more than me?”

Tumigil ako sa pagtapik-tapik ng daliri ko sa narinig. “I don't love him,” kaswal kong wika na may bigat sa aking puso ang binitiwan.

“Is that the truth? You're lying.” Kumawala ang malalim niyang buntonghininga.

“Puwede bang huwag nating pag-usapan ang ganito, Jazz? Wala na akong feelings sa kaniya,” muli kong sabi sa tanong nakakakumbinsi, pero gaya na ng naunang nangyari ay may tinik sa puso ko para bitiwan ang mga salitang narinig niya.

“You know what. . .” pamimitin niyang sinundan ng pagtawa.

Nangunot ang noo ko, ngunit hindi ako naglakas loob na mag-angat ng ulo para tingnan ang mukha niya. Ayaw ko. Mas lalo akong masasaktan kung ganoon ang gagawin ko.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon