ISINASAWSAW ni Genesis ang kaniyang hintuturo sa mangkok na may lamang suka. Inaya niya akong dumaan sa university at nakapasok naman ako nang ipinakita ko lang iyong ID ko last year. Gusto ko sa labas na lang para hindi na ako pumasok sa loob, kaso biglang kumalam ang sikmura ko nang banggitin niya ang magic word—ang shanghai na ibinebenta sa canteen.
Kahapon pa ako nagcra-crave ng lumpiang shanghai kaya hindi ako tumanggi sa kaniya. Pakiramdam ko kapag kakain ako n'on ay hindi ako sisimangot sa nangyari kanina. Hindi ko naman hinahangad na maisama ang pangalan ko sa topnatch dahil ang gusto ko lang ay makapasa.
Pabigyan sana ako ng tadhana na palarin ako sa journey kong ito. Natutunan kong mahalin ang hindi ko naman gusto. Masasabi ko namang worth it ang pagpapatuloy ko dahil hindi ako nagsisisi. Naging maganda ang result sa akin. Sabi nga nila, lahat mahirap pero natututunan naman.
Muli niyang isinasawsaw ang daliri sa suka sabay dila. Sarap na sarap siya sa suka at namumuti na ang labi niya sa kakasipsip ng kaniyang daliri. “Malapit na ang one o'clock. Wala kang pasok?”
Umismid siyang pumitik kaya tumalsik sa pisngi ko ang suka. Hindi ba siya nababahuan sa suka o naasiman man lang? “Kanina pa dapat ako umalis kung may pasok ako, girl.”
Niyakap ng palad niya ang mangkok at dahan-dahang itinaas ito palapit sa kaniyang bibig. Pumikit-pikit nang bahagya ang paningin ko sa paghigop niya ng suka na ginawang sabaw. Basta kumakain kami ng shanghai ay palagi niyang iniinom ang suka sa mangkok.
Maingay siyang bumuga ng hangin at dumighay pagkatapos. Pinunasan ang labi gamit ang likod ng palad sabay taas ng kilay pagkatingin niya sa akin.
“Araw-araw kang kumakain ng shanghai at iniinom mo palagi iyong suka?”
Nakataas ang dalawang kilay niyang umiling. “Every Thursday lang ako kumakain ng shanghai, girl. Hindi ko naman ginagawang sabaw ang suka. Kalahati nga lang ng sandok inilalagay ko sa mangkok.”
Bago pa niya maisipang umalis, na alam ko namang hindi niya basta-basta ginagawa kahit na madalas siyang magreklamo na ang boring kong kausap ay tiningnan ko siya nang seryoso. Kunot ang noo kong ipinagsalikop ang palad ko pagkatapos kong ipatong sa ibabaw ng mesa ang kamay. “Puwede ko bang malaman kung bakit ka naglasing kahapon?”
May dalawang oras din siyang natulog sa aking kuwarto kahapon. Wala na akong balak gisingin siya at hayaan na lang siyang matulog, pero paniguradong magmamaktol siya kung hindi ko sinunod ang sinabi niya.
Hindi ako sigurado kung ilang bote o baso ng alak ang iniinom niya kada gabi. Madalas akong humahanga sa kaniya dahil kaya niya ang uminom nang hindi agad nalalasing. Masarap naman daw ang alak at subukan ko raw, pero ayaw ko kahit curious ako masyado sa lasa. Amoy pa lang ng alak ay hindi ko na gusto.
Umikot ang mata niya at skaa itinukod ang siko sa mesa saka ipinatong niya ang pisngi sa nakakuyom niyang kamao. “Huwag mo ng tanungin, girl. Madalas naman akong umiinom nang walang dahilan.”
Hindi ako naniniwalang walang dahilan iyong paglalasing niya kagabi. Halatang-halata sa kaniyang may problema. Siguro nainis siya o may hindi nagustuhan.
“Sigurado ka bang okay ka lang? Kahapon kasi parang may—” Tumigil ako sa pagsasalita nang dumako ang mata ko sa pagtikom nang mariin ng labi niya at ang paglaki ng butas ng kaniyang ilong.
Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere na tila sumusuko ako sa pulis. “Hindi na ako magtatanong tungkol sa kahapon.” I zip my mouth. Ayaw nga niyang magsabi sa akin.
She still doesn't trust me and maybe she's not comfortable with me when it comes to her problems. Ayaw niyang paulanan ko ng tanong dahil sa curiosity. Medyo natawa ako nang maalala ko bigla iyong araw na nagsabi siya ng problema niya. Imbes na makinig ako sa kaniya ay curious ako kung bakit ganoon, kung saan nagsimula ang problema niya at kung paano niya sosolusyunan. Naging detalyado ang pagsasabi niya at muntik pa niya akong masabunutan. Mabuti na lang ay tumayo agad ako, umupo sa kabilang panig sofa na malayo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020