TININGNAN ko siya na kunwari naiinis ako, kahit hindi. Namaywang akong salubong ang kilay. “Puwede bang tama na iyang kahihingi mo ng paumanhin?” pakiusap at hindi ko napigilan ang pagtawa sa dulo. Kanina pa siya nagsasabi ng sorry at naiintindihan ko naman ang sinabi niya.
Humakbang ako palapit bago pa may sumingit sa pila. Hindi naman basta-basta sumisingit sa pila ang mga tao rito na hindi tulad sa Pilipinas na basta na lang sisingit lalo na kapag nakapila na iyong kasama. Pabalik-balik ang kamay ko sa bulsa ng suot kong skort na binili niya kahapon para sa akin. Wala namang snow rito sa Los Angeles pero bahagyang nanginginig ang kamay ko sa lamig.
“Since I graduated in the Philippines, it is required to have work experience here with the supervision of a professional engineer,” he explained.
Naramdaman ko ang marahang pagtama ng palad niya sa likod kaya lumingon ako. Kinuha ko ang kamay niya para hawakan.
“Bawal si tito na maging supervisor mo?” nakatingin ako sa mga mata niyang tanong ko.
Umiling siya. Umangat nang kaunti ang dulo ng labi ko. “Ano bang specialization ni tito?”
Inalis ko ang tingin sa kaniya nang iabot ko sa guard iyong ticket na ibinigay niya sa akin kani-kanina lang.
Itinaas ko ang kamay ko at mabilis namang ipinadaan ng lalaking matangkad, asul ang mga mata ang hawak niyang maliit na baston para i-scan sa akin. Iginiya niya ang kamay niya kaya pumasok ako at agad akong tumabi sa gilid para hintayin si Chrysler, na siya naman ang ini-scan. Bumungad sa akin ang mataas na statue na napapalibutan ng LED lights pagkaharap ko.
Para silang bituin na makukulay sa langit na bumaba sa lupa. Sandali kong iginala ang paningin ko at napanganga ako nang bahagya sa nakikita. Every walkway is filled with polychromatic lights like an abstract painting in my eyes. I fished out my phone and open my camera to take a picture of the sight.
Ibinalik ko sa bulsa ng sukbit-sukbit kong baguette bag sa balikat ang phone ko. Haharap sana ako para lingunin siya dahil nakikiliti ako sa paghinga niyang tumututok sa leeg ko.
He chuckled and pinched my cheeks softly. “He's a structural engineer. He works with Mom in some aspects,” sagot niya sa tanong ko kanina.
Tumatango-tango ako habang dahan-dahan kong ibinabaling ang tingin sa mga makukulay na nakasabit-sabit sa itaas. Malayo nga sa specialization niya kay tito. Nakakalungkot dahil hindi siya puwede sa Pilipinas, pero tatanggapin ko nang buo ang desisyon niya at parang gusto kong tumutol dahil malamang ay mawawalan ulit siya ng oras sa akin.
Huminga ako nang malalim. Napakamot ako sandali sa noo ko nang maalala sila Brix sa bahay. Nag-message ako sa kapatid ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply. Paniguradong busy siya at inilagay niya sa drawer ang phone kaya walang reply. Hindi pa rin nase-seen ni mama at papa ang chat ko sa kanila sa messenger. Kumusta na kaya sila? Gusto ko na ang umuwi pero ayaw ko rin namang magkalayo kami ni Chrysler.
Imbes na alalahanin ko kung ano ang mangyayari sa amin kapag aalis na ako next week ay niyakap ko ang kaniyang braso nang mahigpit. Hinila ko siya sa direksyon kung saan may mga nakasabit-sabit sa christmas lights na mga unggoy at papalit-palit ng kulay.
Habang iniikot namin ang paligid ay hindi ko naiwasang magtanong, “Puwede ko bang matanong kung ano ang madalas mong ginagawa sa trabaho?”
Maraming taong bumibisita rito. This is my first time coming here to Los Angeles Zoo Lights at night. Naalala kong pumunta kami ng umaga rito at dapat uulit pa kami ng bisita sa gabi para ipakita niya sa akin ito, pero hindi na namin nagawa dahil sa pagod at umuwi ako agad noon dahil malapit-lapit na ang pasok ko.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020