NAKIPAGKITA AKO sa kaniya sa labas ng kanilang review center. Mariing nakatikom ang bibig niya at panay ang pilig ng ulo nito, kitang-kita ko ang inis na tumakip sa kaniyang buong mukha. Kinagat ko ang pang-ibabang labi kong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam na maiinis siya ng ganito dahil nakangiti pa ito nang malapad sa tuwing ginagawa ko sa kaniya ito noon. Nakakabigla ngayon ang reaksyon niya.
“We are in the middle of our class, and why do you want to see me this early?”
Ang tono ng boses niya ay hindi masaya at parang hindi siya interesadong makita ako. Sana mali ang pagkakaunawa ko sa tono ng boses niya.
“Akala ko tapos na ang klase ninyo. Hindi ba ang sabi mo every four o'clock nang hapon ay dismissal n'yo na?” pagpapaalala kong tanong sa kaniya habang kinakamot-kamot ang palad ko.
“Overtime,” matipid niyang sagot.
Hindi ko matukoy kung nagsisinungaling lang ba siya dahil wala naman akong alam sa ganito. . . kapag pumapasok ka para mag-review sa board exam. I'm still inexperienced so I don't know if I should doubt him.
“Mamaya na lang?” hindi ako siguradong tanong sa kaniya habang hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya.
He shooked his head. “Hindi na. Hinintay mo na lang dapat ang text ko kung magpapahatid ka o nag-text ka na lang at hinintay mo ang reply ko,” nagkakamot sa ulo niyang sambit.
May tatlong text na ako sa kaniya, pero wala akong natanggap na reply sa kaniya at ngayon ay pinapahintay niya ang kaniyang reply? Naka-isang tawag din ako sa kaniya, pero hindi niya sinagot at hindi ko na inulit pa ang pagtawag dahil baka nasa kalagitnaan sila ng pagre-review o napindot niya ang end call. Mas nagmumukhang ayaw niya akong makausap ngayon at base sa ipinapakita niyang ekspresyon ay hindi siya natutuwang makita ako sa harapan niya ngayon.
I can't see his eyes sparkling in excitement every time we see each other, also his wide smile plastered on his lips is not the smile I used to see. His eyes look so bored while looking at me.
May sumanib ba sa kaniyang ligaw na kaluluwa habang natutulog siya? This is not him.
“Sino ang ililigtas mo kapag nasa panganib ang dalawang babaeng naging parte ng buhay mo, love? Ako na girlfriend mo o ang best friend mo?” I asked out of the blue that it made his face twisted while he shooked his head.
“Don't ask me that kind of question,” he warned.
Hindi ako natinag sa boses niyang nagbabanta at nagpapaalalang huwag akong magtanong ng ganoon.
“Kaya mo ba akong iwan para sa best friend mo o kaya mong masira ang pagkakaibigan ninyo para sa akin?” muli kong tanong sa kaniya habang nakatingin lamang ako sa kaniyang buong mukha.
Napagmasdan ko kung paano umigting ang kaniyang panga at umiling.
“Stop, Drishtelle. That's absurd!”
Tumunghay lang ako. Blangko ko siyang tiningnan habang nakaawang pa ang aking bibig. Malakas ang pagkasigaw niya. May tumalsik pang laway niya sa aking pisngi, pero hindi ako nagpatinag. Hindi pa naman ako nasasaktan. . . kaya ko pang palipasin ang lahat pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong at makakuha ng sagot sa kaniya.
“Mukha bang walang kabuluhan tinatanong ko?” natatawa kong tanong kasabay nang mabagal kong pag-iling.
His face darkened. Nanlilisik ang mga mata niyang tinapunan ako ng tingin at hindi nakatakas sa aking paningin ang muling pag-igting ng panga niya, senyales na hindi niya nagugustuhan ang inaasal ko at nagtitimpi lang ito. Ayaw niya akong masaktan sa mga salitang bibitiwan niya? Hindi lang niya alam na nasasaktan ako sa unti-unti niyang pagbabago.
![](https://img.wattpad.com/cover/220867553-288-k62710.jpg)
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Dragoste"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020