TITD36

78 6 0
                                        

BALIK NANG BALIK sa aking isipan ang pagkikita namin kahapon. Halos wala akong tulog nang dahil sa kaniya. Hindi ako mapakali. Nandito na siya sa Pilipinas at may posibilidad na maging komplikado ang lahat. Iniangat ko ang unan na nasa aking kandungan at isinubsob doon ang mukha ko sabay sandal ng ulo ko sa headrest ng sofa.

Gusto kong matulog nang buong araw dahil wala akong kasama sa bahay. Sila mama at papa ay busy pa rin sa kanilang trabaho. Kahit pagod na pagod na sila gabi, sa tuwing darating sila ay hindi pa rin nila nakakalimutang makipag-usap sa amin para magkaroon kami ng bonding bago matapos ang gabi. At si manang, ang aming kasambahay ay matagal na siyang umuwi sa Ilocos para makasama ang pamilya niya, at sa pagkakatanda ko ay kahit wala na si manang sa amin, ay pinapadalhan nila mama ng monthly allowance. Nakipagkita rin si Brix sa mga kaibigan niya, at sinabing babalik din siya mamayang hapon dahil alam niyang wala akong kasama.

Kanina ko pa rin kinukulit si Jazz, na bumalik yata sa pagtulog o baka nagpre-prepare na siya para samahan ako rito sa bahay. Sinabi niyang magluluto pa siya para ipatikim sa akin at manonood daw kami. Gusto ko ang lumabas para  mamasyal, pero hindi ko kaya ang mapalayo nang mag-isa. Marami akong gustong gawin ngayong araw, pero tinatamad akong kumilos.

I groaned. Nababaliw na yata ako. Bakit ba kasi nagpakita pa sa akin si Chrysler. Kung nag-reply ako sa message niya sa akin, hindi siya uuwi rito? I-a-accept ko na sana ang message request niya sa akin kagabi para paulanan siya ng tanong, ngunit parang mas magandang mag-usap kami ng personal. Napakarami kong gustong itanong sa kaniya at pakiusap.

Tinanggal ko ang unan na isinubsob ko sa aking mukha, inilapag sa aking tabi. Dalawang beses akong bumuga ng hangin sa mahinahong paraan hanggang sa bumuntonghininga ako nang malakas para ilabas ang lahat ng frustrations ko. Tumitig ako sa vase na nasa center table, kung saan ko inilagay ang ibinigay na daffodil sa akin ni Jazz. Ano ba ang dapat kong gawin?

Nabuhay ang tinatamad kong dugo nang marinig kong may nag-doorbell. Tumayo ako para pagbuksan ng pinto ang tao sa labas at baka si Jazz, na maraming dalang lunchbox o tupperware. Dire-diretso akong lumabas, ipinusod lang ang buhok ko gilid ng kanang tainga ko at nakangiting binuksan ang gate.

Nandilat lang ang mga mata kong naestatwa sa iniluwa ng gate. Ang ngiti ko ay napalitan nang pagsimangot. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mukha, abot-langit ang kaniyang ngiti kaya nangunot lang ang noo ko.

Umatras ako nang walang pasabing ipinasok niya ang kaniyang paa hanggang sa makapasok siya nang tuluyan. Blangko ko lang siyang tinapunan ng tingnan habang siya naman ay hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. Papikit-pikit ako, bahagyang iniiwasan ang kaniyang tingin dahil ayaw kong matitigan niya nang matagal ang mata ko.

He spread his arms wide to give me a hug, but I immediately turned my back. Mahina siyang tumawa at ipinatong ang kamay sa aking balikat. Pumikit ako nang tuluyan, dinama ko ang presensya niyang nasa likuran ko. Napakatahimik at dapat sa mga oras na ito ay makakaramdam na ako ng pagka-ilang gaya ng nangyari kahapon, pero wala. Tanging ang pagtibok nang mabilis ng puso ko ang aking naririnig.

Hinawi ko ang kamay niya sa balikat ko. “Anong ginagawa mo dito? malamig kong tanong pagkaharap ko, nakatingala sa kaniya. Nalulula ako sa tangkad niya, na hanggang kili-kili lang niya ako. Ang dating tanned skin tone niya ay parang pumuputi siya sa paningin ko. He changed a bit, but he became more handsome. Matagal ko lang siyang hindi nakita kaya siguro ganito ako, naninibago.

Pinigilan ko ang kamay niyang hahawakan sana ang pisngi ko. Mapakla siyang tumawa at napakaamo ng mukha niyang nakatitig pa rin sa akin. “I miss you.”

Iniiwas ko ang mukha ko sa narinig. Para akong bingi na nakarinig bigla dahil sa lambing ng pagkasasabi niya. Kinamot ko ang noo ko, pasimpleng tumingin sa kaniya saglit bago ko ipaskil ang kunwaring naiinis kong ekspresyon sa mukha.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon