TITD08

108 7 0
                                    

MABILIS LUMIPAS ang isang linggo at gusto ko pa ngang mag-extend ng isa pang linggo, pero kailangan ko ring bumalik sa Manila. Tumawag sa akin si Chrysler at gusto niyang magbakasyon ako sa ibang bansa. Alam nila mama na hindi ako tatanggi sa offer niya, kaya pumayag sila at may tiwala naman sila sa kaniya.

Hinawakan ko ang kulubot ng balat ni lola habang sinasabayan siyang maglakad sa dalampasigan. Nakangiti siyang tumingin sa akin.

“Lola, mami-miss kita,” malambing kong saad. Dahan-dahan akong lumingkis sa kaniyang braso.

I can feel bright and sunny weather. Mahinang tumawa si lola. Ini-enjoy ang kagandahan sa dagat. Hindi masakit sa balat ang hanging dumadaplis. Nakagiginhawa nga sa pakiramdam lalo na at napakagandang senaryo. Maganda raw magpunta sa dagat kapag palubog na ang araw. It is my first time to witness the beauty of the sunset together with my family. We used to come to the beach before sunrise.

“Are you sure that you will miss grandma or you will just miss the scenery here?” mapang-asar na tanong ng kapatid ko nang tapunan niya ako ng tingin sa aking tabi.

Iniangat ko ang kamay ko't hinampas nang malakas sa braso niya. Ngumiwi lang ito kasabay ng paghalakhak niya.

“Kayo talagang mga bata. Magbakasyon lang kayo rito sa probinsya. Mas maganda nga rito kaysa sa Maynila,” saad ni lola dahilan para tumigil ako sa paghampas kay Brix.

Medyo sang-ayon ako sa narinig, ngunit maganda rin sa Maynila. Siksikan nga lang at napakaraming tao kumpara rito sa probinsya.

“Pagbalik ko po dito, lola, ipapakilala ko si Chrysler,” wika ko. Paniguradong hindi ako tatanggihan n'on.

“Aasahan ko iyan, Tel,” nakangiting sagot ni lola. Bakas sa ngiti niya ang pag-asa na madala ko nga si Chrysler dito para makilala nila lolo.

Gusto kong bumalik dito para libutin ulit ang capitol ng Lingayen at upang tumambay sa dalampasigan. This is a historical place and it is perfect to have a simple beach date with your someone.

“I'll stay here for one month. Susunduin ako nila mama dito.”

I lifted my chin up and looked at him. Ang mga mata niya ay nakapokus sa papalubog na araw at sa mataas na alon ng dagat. Kaya pala hindi umiimik dahil magbabakasyon pa siya dito. Gusto ko sana kaso nangako na ako kay Chrysler na ngayon ako babalik, at pupunta kami sa Los Angeles. Pumayag naman sila mama sa gusto niya. Sasabay rin sila sa akin mamaya, kaya si Brix ang maiiwan dito.

Lumipat ng puwesto si Brix, tumahimik siyang tumayo at napapagitnaan namin si lola ngayon. A moment of silence embrace us, but my curiosity made me ask something. “Lola, madalas din po ba kayong mag-beach date ni lolo rito noong mag-boyfriend at girlfriend kayo?”

Lumipat ang tingin ko kanila mama at papa, kasama si lolo na nagtatawanan sa nipa hut, hindi kalayuan sa amin.

“Sa katunayan, hindi talaga ako taga-rito, apo. Mas pinili kong dumito na lang dahil mas maganda ang pamumuhay sa probinsya kaysa sa Maynila,” kuwento niyang nagpatungo sa akin.

I am sure that they had a sweet relationship back then when they're still teenagers. Lola looked at me and she automatically knew from my eyes that I want to hear her reason why she chose to be here.

“Ang kontrata ng bahay ay isinangla sa lolo ni Tito Kitian mo, at noong malaman niyang may relasyon sila noon ng mama mo, puwersahan niya kaming pinalayas doon sa bahay at dito ako dinala ng lolo mo.”

“May relasyon sila mama at Tito Kitian dati?” namilog ang mga mata kong tanong.

I can't believe this. May past sila ni tito? Napansin ko rin ang paglingon ni Brix. Akala ko ay makakarinig ako ng magandang love story na hango sa buhay niya, pero mukhang si mama yata ang maikukuwento ni lola dahil bigla akong naging interesado doon.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon