TITD39

64 4 0
                                    

IPINULUPOT KO ang kamay sa kaniyang braso habang nakadikit ang aking pisngi. Nakatayo kami sa tapat ng handrails ng hagdanan. Tahimik naming sinusulit ang natitirang oras dahil Lunes na naman bukas, hindi kami magkikita at makukuntento ulit kami sa palitan ng text sa isa't isa.

Pinunasan ko ang gilid ng bibig ko gamit ang likod ng palad dahil nararamdaman kong basa pa. Katatapos lang naming kumain sa Thailand cuisine dito sa mall of asia.

Kahapon pa naming pinag-uusapan na pupunta kami sa Mt. Nagpatong sa Tanay, Rizal para mag-hiking, pero ang sabi niya ay mas maganda raw pumunta at mag-reserve tuwing weekdays. Weekend lang ako available dahil sa weekdays ay buong maghapon kong kinukumpleto ang oras ko para sa internship at malapit naman ng matapos.

Kanina ay ikinuwento niya sa akin ang ilang detalyeng pinag-usapan ng parents niya through video call, at gusto raw nila akong makausap. Mabuti na lang ay hindi sila tumawag sa mga oras na ito dahil hindi pa ako handang harapin sila. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila sakaling magtatanong sila kung kumusta na ang relasyon namin ni Chrysler. Baka umamin akong wala na kami at malulungkot lang sila sa malalaman.

“Thank you for this day,” nakangiting imik ko habang ang tingin ay nasa kaniya, samantalang ang mga mata niya ay nasa baba.

Nang balingan ko sandali ng tingin ang direksyon ng paningin niya ay napansin kong pinapanood niya ang mga taong naglalakad-lakad sa ground floor.

Umangat ang kamay niya, hinawakan ang palad kong nakapulupot sa braso niya. “Don't mention it. I am happy to be with you,” malambing niyang saad at nilingon ako.

A wonderful smile formed on his lips that made me smile widely. While stating at his face, I felt how my heart skipped a beat as our eyes met and stared each other. Also, the felicity that I never felt for the long time filled my veins throughout my body.

Wala talagang makatatalo sa kaniya. Sa paraan pa lamang ng pagtitig niya ay punong-puno ng emosyon at kahit hindi ko mabasa kung ano iyon ay ipinapakita naman ng kaniyang facial expression at ang ngiti niyang hindi makikitaan ng kasinungalingan dahil totoong-totoo. That's the sincerest smile I have seen in the whole world whenever I glinted on his cupid lips.

Halos gusto ko ang tumayo nang buong araw at titigan lang siya hanggang sa makabisado ko ang kabuuan ng mukha niya. Sa isang taon naming pagsasama noon ay ngayon ko lang napansin may maliit na nunal pala siya sa gilid ng kaniyang kaliwang kilay. Hindi ko agad napansin ito noon dahil sa mata at labi lang niya ako tumititig. Hindi rin naman agad mapapansin dahil hindi ganoon ka-dark ang itim niyang nunal.

I averted my gaze after I heard his sexy chuckle. Nakakahiya! Nakatitig lang ako sa kaniya. Naramdaman  kong may pumulupot sa baywang ko. Inilapit niya ako lalo sa kaniya, inalis ang maliit na distansya naming dalawa.

“Does Jazz knows that you're seeing me?” he asked while his eyes still on me.

I shook my head. “Puwede bang huwag mong sabihin kahit kanino na nagkikita tayo?” pakiusap ko habang kinakamot ang noo at tiningnan siya nang nakikiusap.

“Unfortunately, Genesis and Brix knew already that we are seeing each other.”

Sumimangot ako sa nalaman. Paano nila nalamang nagkikita kami? Hindi dapat makarating ito kay Jazz. Huwag sana nilang sabihin. Lalo na kay Genesis na palagi silang magkasama at baka mabanggit niya ito sa kaniya.

“Puwedeng mo ba silang pagsabihan? Ayaw kong magalit sa akin si Jazz,” pakiusap ko at dahan-dahang iniiwas ang tingin.

Ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko ay tinapik nang mahina ng tiyan ko. “I'll talk to them and I assure you, hindi makakarating kay Jazz ito,” nakangiti niyang paniniguro kaya bahagyang naging panatag ang loob kong naging triple ang tibok ng puso dahil sa kaba.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon