NAKANGIWI AKONG nakatingin kay Genesis na nakasimangot sa tabi ni Cathaleya. Hindi ko sinasadyang hindi kami makapag-enroll lahat kahapon dahil imbes na dumiretso sa university ay pumunta kami sa mall para kumain muna. Hapon na kami nakarating at masyadong mahaba ang pila, kaya napag-usapan naming maaga na lang kami.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakasimangot si Genesis at hindi namamansin.
“Makakapag-enroll din tayo,” pagpapalakas-loob ni Jazz bilang pagbasag na rin sa katahimikang namayani kanina pa.
Nilingon ko siya nang nakakunot-noo. “Ganito ba talaga ang haba ng pila kahit noong hindi pa ako umuuwi?” kuryusong tanong ko kay Jazz.
“Mas naging grabe ang haba ng pila nang isama ka namin dito.”
Tumingin ako kay Genesis nang magsalita siya. Hindi ko gusto minsan ang pananalita niya dahil madalas ay nakasasakit.
“Bakit mo ako isinama?” kuryusong tanong ko sa mahinahong paraan. Hindi ko tuloy matukoy kung nambabara lang siya—kung normal pa siya sa lagay na ito o naiinis na.
Sanay na ako sa pag-uugali niya pero dahil wala ako sa mood ngayon, hindi ko maiwasang maging sensitive sa mga pananalita niya. She rolled her eyes. Nanatili akong nakatingin sa kaniya sabay kamot sa noo ko.
“Isinama kita kasi hindi ka pa nag-enroll. Tumawag sa akin si tita at sinabing hintayin ko ang VIP niyang anak at siyempre good girl ang image ko kay tita, sumunod ako.” She smirked and wrapped a curl around her finger.
Nilingon ako ng katabi ko at tiningnan, pero ngumiti lang ako sa kaniya. Umiling siya sabay lingon kay Genesis habang nakatungo lang si Cathaleya, nakikinig na nakalabas ang ngiping nakangiti.
“Na-sobrahan mo rin pagiging pagong mo kaya alas-siete na tayo dumating. Nagpapaganda ka pa, wala naman dito si Chrysler,” nakangisi niyang sambit habang nakataas ang kilay.
Nakita ko ang ginawang pag-abot ni Jazz sa braso ni Genesis upang tapikin ito bilang pagsaway. Muli siyang umirap at nagpakawala pa nang mahinang tawa.
Binalot kami ng katahimikan. Tayo at upo ang ginagawa namin para umupo sa upuang binakantehan ng mga kapuwa estudyante namin. Napapakamot na lang ako sa noo ko kapag tumatagal masyado ang pila.
Pinigilan ko sandali ang aking paghinga nang may maamoy akong kakaiba. Parang bulok na basura ang amoy. Lumingon ako sa mga katabi ko para alamin kung ako lang ba ang nakaamoy n'on.
Pinisil ni Jazz ang ilong niya habang pinapaypay naman ni Cathaleya ang ilong gamit ang palad sabay iling.
“May umutot?” tanong ni Jazz.
“Magsabi naman kayo kung uutot kayo para aware kami,” pagpaparinig ni Genesis 'tsaka lumingon-lingon. Hindi man lang siya napatakip ng ilong niya, baka nga ay sanay na siya sa ganoong amoy o baka hindi umabot sa kaniya ang amoy.
“Ikaw ba ang umutot, Genesis?” baling ni Cathaleya, tinakpan ang ilong gamit ang panyo.
“Nakita n'yo akong umutot?” sarkastikong tanong niya, nakataas ang kilay gaya na ng inaasahan ko. Suminghot-singhot pa siya para maamoy ang tinutukoy namin, pero hindi man lang ito ngumiwi.
“Hindi nakikita ang utot pero naaamoy at sa 'yo nanggaling ang amoy,” sagot ni Cathaleya sa kaniya.
Bumilog ang labi niyang hindi nakaimik agad at mas itinaas niya ang dalawang kilay. “Bakit may mabango bang utot? Parang hindi kayo umuutot, a.”
Natampal ko ang noo ko sa narinig. Lumipat naman ang tingin niya sa aking na kay Cathaleya kanina.
“Tumae ka nga muna,” natatawang sambit ko nang makatiyempo ako.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020