ILANG BESES NA akong pumikit para alisin siya sa isip ko. Palagi na lang siyang laman ng isip ko, hindi maalis-alis. Simula sa una naming pagkikita hanggang sa huli naming pagkikita noong nakaraang linggo. Sa tuwing tumitingin ako sa salamin ay halatang-halata ang makapal na eyebags ko, kaya tinatakpan ko nang makapal na concealer para walang makahalatang puyat ako.
Nagpakawala ako nang malalim na pagbuntonghininga at saka ko ipinatong ang aking ulo sa braso kong nakaibabaw sa mesa, malapit sa computer keyboard.
Pumikit ako dahil medyo sumasakit ang mata ko sa radiation ng computer. Ngunit, mas sumasakit ang ulo ko sa laman ng isip ko, na alam kong mali.
"Do your eyes hurt?"
Hindi ako nag-angat ng ulo nang marinig ko ang boses niya. Nandito na pala siya sa tabi ko.
Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niya at ang matabang paghaplos-haplos niya sa aking buhok.
"Masakit ba ang ulo mo?"
Umiling ako kasabay ng pag-angat ko ng ulo para tingnan siya. Ngunit, unang nakita ng mata ko ang nakasabit na sa wall clock sa dingding, hindi kalayuan sa akin. Eksaktong alas-singko na pala. Tumingin ako sa kaniya. "May pupuntahan ba tayo pagkatapos natin dito?"
May sinasabi siya kanina at hindi ko masyadong napagtuunan nang atensyon dahil abala rin ako sa ginagawa ko.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin. Umiling lang siya at pinisil ang balikat ko. "Kung saan mo gustong pumunta, sasamahan kita."
Walang pag-aalinlangan akong nagsabi, "Puwede bang umuwi na lang tayo agad?"
May gusto akong puntahan kung saan siya ang makakasama ko. Plano kong sabihin sa kaniya ngayon ang magandang lugar kung saan puwede kaming mag-camping nang kaming dalawa lang. Sa Taal Lake Yacht Club ng Tagaytay. Gusto kong bumalik doon dahil hindi ko nasulit ang experience ko roon noong kasama ko si Chrysler dahil may pasok na ako kinabukasan noon.
Nagpunta kami ng Sunday nang umaga dahil nakita lang daw niya sa facebook friend niya, kaya pinuntahan namin. Hindi kami nakapagplano nang maayos at mabuti na lang may bakanteng tent pa noon. We only did volcano trips and I badly want to try the windsurfing and have a picnic there. Nangako kami na babalik kami roon, pero gusto kong bumalik kasama si Jazz.
Sa kasamaang palad, wala akong gana. Gusto ko lang matulog nang buong araw para sa ganoon ay mabawasan ang eyebags ko. Malalim akong nagpakawala ng buntonghininga. Isinandal ko ang ulo ko sa braso niyang nakaakbay sa sandalan ng kinauupuan kong monobloc.
"I am okay, but I want to sleep because I feel tired."
"Does everything okay?" nakakunot-noo niyang tanong, na medyo nagbanggaan pa ang dalawang kilay niya sa pagtataka.
Ayaw kong mag-alala siya at lalong ayaw kong malaman niyang nagkita na kami ni Chrysler. Mukhang hindi naman niya ako pinagdududahan dahil hindi na siya nag-usisa pa noong mabanggit niya na naman si Chrysler kahapon, na nagkita silang dalawa. Tinanong ko kung ano ang pinag-usapan nila. . . kung bakit sila nagkita. Ang sabi niya, nangamusta lang daw si Chrysler sa kaniya at kinausap tungkol sa pag-aaral ko at pag-aaral niya.
Sang-ayon din ako sa ginawa niyang pambabara dahil hindi nakapagsalita si Chrysler. Binalaan niya itong huwag niyang susubukang makikipagkita sa akin at huwag na niya kaming guluhin pa. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag noong malaman kong walang binanggit si Chrysler sa kaniyang nagkita kami.
Pilit akong ngumiti na sinabayan ko pa ng pagtango. Nilingon ko si Miss Aliyah na nakangiti sa akin habang nag-iinat. Umiling ako nang mag-alok siya ng magic flakes. Inalok din niya si Jazz na kumuha at hindi naman siya tumanggi.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020