LUMIPAD ANG mga mata ko sa nagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Pumasok siya, nakatagilid lang sa pinto habang inaayos niya ang laylayan ng kaniyang itim na t-shirt at may pulang tatak na penshoppe sa gitna.
“Ate, mag-online ka. Tatawag daw si Kuya Chrysler,” sabi niya saka itinuro ang phone pagkaangat niya ng tingin.
“Off na niya?” salubong sa pagtataka kong tanong.
Kalahating minuto na rin simula noong mag-offline ako at wala akong natanggap na reply sa kaniya nang mag-message ako ng, "how's your day?"
Tumango siya at isinara ang pinto nang mag-ring ang phone niya. Balak ko pa sana siyang kausapin tungkol sa pagsakay niya sa barko ulit, pero mamaya na lang siguro. Pagkakuha ko ng phone kong nakapatong sa libro ay binuksan ko ang data connection ko at pinindot kaagad ang video icon pagkabukas ko ng messenger.
I smiled while waiting for him to answer my call. Time flies and I couldn't believe that I did it—I surpassed the long distance relationship with him. Para lang nagbilang sa daliri ko sa limang taon na engage ako sa kaniya. Natawa ako nang bahagya sa sarili ko dahil sobrang negga ko mag-isip noong una, na hindi ko kayang hindi kami magkasama, pero nakayanan ko pala.
Tama nga pala iyong sinabi nilang, huwag magsalita nang tapos. Dumating din ako sa puntong nakayanan ko lahat ng mga akala kong hindi ko kaya, at ang mga bagay na akala ko mangyayari pero hindi pala ganoon ang nangyari. Nakakalungkot noong una pero okay nasanay rin ako. May mga bagay pala talagang masasanay na lang tayo bigla. Saka maganda na ring dito siya nag-aral kaysa doon sa Los Angeles. Paniguradong kapag doon siya nag-aral, wala akong Chrysler na fiancé na nakakausap sa oras na ito.
Maya-maya ay lumitaw ang mukha niya sa screen kaya panay ang pagkaway ko sabay ngiti nang napakalaki. Parang ngayon ko lang ulit siya nakausap kahit na katatapos lang namin mag-usap kagabi.
Mahina siyang tumawa at inayos ang nakasalpak na earphones sa kanang tainga niya. Isinakto niya ang bibig sa microphone ng earphones. Pinansin ko kung nasaan siya at nasa sala nila siya dahil kitang-kita ko ang hagdan sa likuran niya. May nakapatong ding laptop sa kandugan niya na inilapag niya sa tabi at hinarap ang posisyon ng phone niya.
Sandali niyang nilingon ang laptop sa tabi niya para isara, tapos ibinalik ang tingin sa akin. “How's my future bride?”
“I miss you.” Saka ako nagpaulan nang apat na flying kiss pagkalapag ko ng phone ko sa cellphone stand holder.
“You always say that and I feel the same. Will you wait for me, right?”
Tumango-tango ako. Hindi na dapat niya tinatanong dahil matagal ko na siyang hinihintay. Hinimas niya ang kaniyang pisngi saka tumingin sa akin na parang nasa tapat lang niya ako dahil napakaseryoso.
“I received my license two weeks ago and I am writing a letter of resignation,” sabi niya at ibinaba ang phone para ituro niya ang nakasarang laptop.
Iyon pala ang gusto niyang sabihin kagabi na hindi niya nasabi dahil bumabagsak na ang mata ko sa matinding pagkaantok, kaya sandali lang kami nag-usap. Magkaiba ang oras kaya medyo mahirap i-adjust ang energy kong nauubos, lalo na at kagagaling ko sa trabaho samantalang papasok pa lang siya sa kaniyang trabaho.
“Congrats, my engineer. Makakauwi ka na rito?” Tinitigan ko ang mukha niya sa phone screen.
Minuto ang lumipas at tanging katahimikan ang sinukli niya sa akin. Kinunutan ko lang siya ng noo saka sinalubungan ng kilay nang mapansin ko ang pagsimangot niya.
Malalim siyang nagpakawala ng buntonghininga at napakalungkot ng ekspresyong iniukit niya. “Love, hindi na ako uuwi diyan.” Bumagsak ang balikat niyang inirapan ko lang.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romantizm"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020