TITD35

68 7 0
                                    

"Ito na talaga ang papel ko sa buhay mo, girl. Sinasamahan ka para i-surprise ang boyfriend," mapang-uyam na sabi ni Genesis. Papadyak-padyak siyang nagmartsa at nang matapat siya sa sofa ay pabagsak siyang umupo sabay halukipkip habang nakataas ang kilay sa akin.

Katatapos lang niyang ihanda ang makakain sa center table at ang ang magpalobo ng letter balloons.

"Hindi ka dapat sumama kung magrereklamo ka rin pala." Umiling si Ate Yvy at ibinato ang hawak niyang nilukot na papel at tumama sa ulo ni Genesis.

Pinulot niya ang mga nagkalat na papel sa sahig at itinapon sa plastic bag. Katatapos lang niyang mag-gupit ng malalaking puso. Lumapit ako kay Cathaleya para kunin ang idinikit-dikit niyang paper hearts sa makapal na tali. Tumuntong ako sa upuan at isinabit sa dulo ng kurtina ang hanging paper hearts na iba't iba ang kulay.

"Ate Yvy, wala kang shoot ngayon?" tanong ko habang abala ako sa pagkabit.

"Halata naman girl, 'di ba? Walang iyang anino rito kapag may shoot ngayon."

Tumawa lang siya nang napakasarkastiko. "Look at Cathaleya," baling niya. "Gusto mo ba ang ginagawa mo?"

"I love to help," nakangiting sagot niya nang lingunin ko. Bumaba ako sa pagkakatuntong sa upuan. "And it makes me busy and never feel alone," dagdag niya.

"How are you and Jade?" tanong ko, curious sa kanilang relasyon dahil nitong nakaraan ay may nasasagap akong balita na in relationship na raw ito.

Nakita kong umupo si Ate Yvy sa tabi ni Genesis habang nakatingin din siya kay Cathaleya. Iba ang pakiramdam ko sa pananahimik niya nang ilang segundo. Nawala ang magandang ngiti niyang nakapaskil nang maging matipid na lang ito. "We are fine. Our relationship is still working. . ."

Malungkot ang himig ng kaniyang boses. Nararamdaman kong hindi sila okayhindi okay ang relasyon nilang dalawa. Parang noong isang araw lang ay nakita ko sa Instagram story ni Jade na naka-close friends lang ang privacy. They were happy dating at Tito Kitians restaurant.

Sinikil ni Genesis ang nakahalukipkip niyang katabi. "Pagsabihan mo rin naman kasi ang kambal mo, Yvy. Palibhasa, wala kang pakialam."

Pagak siyang natawa sa sinabi ni Genesis kaya hinarap niya ito. "Wow, sweetie! May isip na iyon at talagang wala akong pakialam kung ano ang desisyon niya."

Umiling-iling si Genesis at ibinuka ang bibig para magsalita pa sana, ngunit gumawi ang tingin niya sa cellphone niyang nasa ibabaw ng center table. Kinuha niya ang kaniyang cellphone. "Oh, teka. . . nag-text na ang jowa mo, girl," wika niya habang nakatingin lang doon sa cellphone niya.

She stretched down her nose, wiggling her eyebrows while her eyes still on the phone. “Papunta na siya dito,” she announced.

"I am happy that you're happy now. I hope Jazz will be the man for you," Cathaleya said as she patted my shoulder, slowly.

“I hope too,” I answered with a hopeful smile. Umaasa ako na hanggang dulo ay walang mang-iiwan sa ami kahit alam kong may possibility.

I shifted my gaze as I heard Genesis clicked her tongue. Itinuro niya si Ate Yvy na nakatingin sa akin nang seryoso, parang kinikilatis ako. “Drishtelle, may tanong ako,” she said, shifting the topic as she crossed her legs.

“Ano iyon Ate Yvy?” kunot-noong tanong ko habang nakangiti nang matipid.

“This is nonsense but I am just a little bit curious.”

Tumango ako at inilaan ang buong atensyon sa gusto niyang itanong sa akin. Tungkol saan kaya ang itatanong niya? She rolled her eyes and her eyebrows arched. “And stop calling me ate, I am just one year older than you,” mataray niyang pagtatama sa akin.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon