"RELAX, Drish," bulong sa sarili. Hindi ko maiwasang itago sa bulsa ng aking palda dahil sa nararamdamang mabilis na pagkabog ng puso ko sa kaba. Ang mga kaklase ko ay handang-handa, hindi man lang kinakabahan at panay kuwento pa nila sa kanilang mga kaibigan kung paano sila nag-review, kung ano ang naitindihan nila sa mga binasang libro.
Wala akong maalala. Naghahalo-halo ang mga binasa ko. Naihilamos ko ang palad sa mukha sabay buga ng hangin.
"Nag-review ka, girl?" tanong niyang kinalabit pa ako.
Muli akong nagpakawala ng buntonghininga dahil sa rason kong guguluhin niya ulit ako pagkatapos ng pag-uusap nila ng kaklase kong naaya niyang mag-shift ng course.
Tiningnan ko siyang isinandal ang likod nito sa dingding habang naririnig namin ang ingay mga upuang inaayos ng mga kaklase ko sa loob, one seat apart.
"Oo, naaalala ko pa mga bilin ni Ate Kyla noon at nag-self-study rin ako kagabi," nakangiting sagot ko sa kaniya. Hindi napigilang kamutin ang buhok dahil hindi ako sigurado. Baka lalabas akong iiyak pagkatapos kong masagutan ang final exam namin. Kapag nakapasa ako ay magpapatuloy ako sa accountancy, at kapag hindi ko naabot ang dos na quota ay magshi-shift ako. Nakakaaburido!
"Sigurado ka bang makakapasa ka?" nakangising tanong niya, nakaangat ang kilay niyang nang-aasar.
Kumpyansang-kumpyansa yata siyang makakapasa dahil sa malawak niyang ngiti o baka peke lang iyon at kaya nagtatanong kasi may gusto siyang sabihin, pero kunwari nahihiya pa siya. Tumango ako bilang sagot sa kaniya kahit fifty-fifty ang tsansa kong maipapasa ang pinaka-unang exam namin ngayong umaga, ang OBLICON. Baka mamaya puro obligation ang maisagot ko at contracts, 'tsaka bahala na ang lapis kong mag-shade sa scantron.
"Hindi ba dapat ikaw ang magtanong niyan sa sarili mo, Gen," sulpot ni Jazz na nasa likod pala ni Genesis, nakasandal siyang hawak-hawak ang libro ng CFAS. Mukhang kararating katatapos lang din niyang makipagkuwentuhan kay Anthony.
"Papasa ka? Mayabang." Umikot ang mga mata nito.
"Kailangan mong maging positibo para makapasa ka dahil kung hindi, paniguradong babagsak ka."
Nag-thumbs up ako't ngumiti habang sinasabayan ng pagtango dahil tama siya. Kung iisipin kong babagsak ako, babagsak ako. Ikinuyom ko ang magkabilang kamao ko at paulit-ulit kong isinaisip na papasa ako. Hindi ko namalayang nagtatawag na pala ang proctor ng mga apelyido namin.Tumitig ako sa kaniya dahil may kaunting pagkakahawig sila ni Ate Kyla, porselenang balat at katulad niyang payat. Ang kaibahan lang ay mas nakakatakot ang aura niya, kaysa kay ate na kahit intimidating ay kaya ko pa ring i-approach. Napakabata pa niya, fresh graduate siguro. Mabuti na lang at babae ang napunta sa aming proctor dahil kung hindi ay kanina pa nagtatatalak si Genesis dito.
"Bentley."
Napasinghap ako nang marinig ang mahinang boses niya, napakahinhin. Kabaligtaran sa aura niya. Tinapik ni Jazz ang balikat ko bago pumasok.
"Busto." Tiningnan ko kung paano niya iangat ang kamay para ituro kung saan uupo ang babaeng kinausap kanina ni Genesis. Halata sa kaniyang mukha nang pumasok siya ang pagiging kalmado. Paano nila nagagawang maging kalmado tuwing exam? Halos hindi nga ako mapakali sa aking kinakatayuan dahil sa kabang nararamdaman ko. Kakalma lang siguro ako kapag kaharap ko na ang test paper at may na-shade na ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para i-tsek kung may text ba siya. Hindi nga ako nagkamali ng kutob dahil mayroon. Bago ko basahin ay ibinalik ko sa vibrate mode ang cellphone dahil naka-silent ito kagabi para makapag-review ako nang maayos, pero ang bagsak ko, nangulit lang ako buong gabi kay Chrysler hanggang sa antukin.
From: Love
Good luck with your exam, love. Claim na nating makakapasa ka.
Gulat akong lumingon ako sa gilid ko dahil sa ginawang pagsikil niya sa aking braso. Ismid kong ibinalik sa bulsa ko at kinagat ang ibabang labi habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020