APRIL IS an ideal month to visit Los Angeles. Marami akong gustong gawin sa unang linggo ko rito pero sa kasamaang palad ay nagkasakit ako.
Chrysler said that the weather here during April turns from spring-like to more summer-like. Nakalimutan ko palang ganito ako madalas tuwing nag-o-out of the country vacation kami ng family ko, kaya ang three days vacation lang dapat na plano ay magiging two weeks vacation para lang masulit.
Gustong-gusto naman ni Brix na nagkakasakit ako para masulit niya ang pagbabakasyon, pero naaawa rin kalaunan.
Maingat akong bumaba sa hagdan para kitain si Chrysler. Nakababagot ang humiga nang apat na araw sa kama kaya gusto ko na ang mamasyal. Tumingin ako sa bumukas na pinto at iniluwa nito sina tito at tita.
“Hindi na masama ang pakiramdam mo, hija?” nag-aalalang salubong ni tito habang niluluwagan niya ang necktie.
Nakangiti akong tumango bilang sagot. Tita Lorainne surveyed my posture and she looked at me worried.
“Sigurado ka bang okay ka na, Drishtelle?” she asked.
Lumapit sa akin si Chrysler na nanggaling sa kusina, nakasuot pa siya ng apron. Idinampi niya ang likod ng palad sa aking noo at leeg. Hindi nakumbinsi si tita kaya siya ang lumapit at tiningnan kung may lagnat pa ako. Nakita ko namang umupo si tito sa sofa at sumandal saka nag-inat. Halatang pagod na pagod pero nakangiti pa rin.
Nabawasan ang pag-aalala niya nang maramdaman niyang hindi na ako inaapoy ng lagnat gaya noong nakaraang dalawang araw.
Pinasadahan niya ako ng tingin. Bihis na bihis ako pati si Chrysler at nakahanda na kaming umalis pagkatapos kumain. Nahuli kong pinanlakihan niya ng tingin ang anak bago ilipat ulit ang paningin sa akin.
“Puwede n'yo namang ipagpabukas ang lakad ninyo at baka mabinat ka.”
“There's are still three weeks to enjoy your stay here, hija,” singit ni tito na siyang tinanguan ko bilang pagsang-ayon.
“Sige po, bukas na lang po kami mamamasyal.”
But deep inside, gusto ko talagang lumabas na ng bahay. Pasimple akong kumamot sa noo ko. Inayos ni tito ang kaniyang necktie 'tsaka umahon sa pagkakaupo.
“Hindi na rin ako magtatagal dahil kailangan ako sa site ngayon. Inahatid ko lang si Lorainne. I'm going now,” paalam niyang inilipat ang tingin sa katabi kong naglalakbay ang daliri sa likod ko.
“Chrysler, take care of her, okay?”
Tumango ito at kumindat. Tito raised his thumb as a gesture before he closes the door.
“How about you, mom?” baling niya nang maghubad ng blazers si tita.
“I need to rest. Pasensya na Drishtelle kung ganito kami ng isang linggo. Kailangan kasi kami sa trabaho ng tito mo kaya hindi ka namin maasikaso sa bahay. Nandito naman si Chrysler at siya na ang bahala sa 'yo. Huwag kang mahihiya, ha? Be at home.”
She felt sorry for being busy. Naiintindihan ko naman iyon, kaya walang pag-aalinlangan akong tumango nang dalawang beses.
“No worries, tita.” I smiled.
Sinundan ko ng tingin ang pag-akyat ni tita hanggang sa magsara ang pinto ng kuwartong pinasukan niya.
“Let's eat first and get some sleep too, alright?” imik niya.
Umakbay siya at iginiya ako sa kusina. Inalis niya ang kamay upang maipaghila niya ako ng mauupuan. Masyadong mataas ang upuan, kailangan ko pang tumingkayad para maabot ko ang salumpuwit.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020