TITD41

70 5 0
                                    

“Hindi pa rin kami nagkakaayos,” paunang sabi ko pagkatapos kong umupo sa tabi niya. Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang braso na abala siyang nagtitipa sa laptop niyang nasa ibabaw ng mga hita niya.

Binalingan niya ako sandali ng tingin at hinaplos ang buhok ko sabay ngiti. “Dalawang araw na kaming hindi nag-uusap,” nakasimamgot kong dagdag.

“Sinubukan mong kausapin siya?”

Umiling ako kahit wala sa akin ang tingin niya. “Ayaw niya akong pansinin.” Inulusot ko ang kamay ko sa kaniyang braso para ipulupot at mapisil-pisil.

Tumigil ang daliri niyang nasa ibabaw ng keyboard ng laptop. Tumingala ako para tingnan siya at eksaktong nagbaba siya ng tingin na nakakunot-noo. “Subukan mo siyang kausapin. I'll escort you to him,” wika niya.

Bumuntonghininga akong sumimangot. “I don't want to try.”

Tumaas ang dalawang kilay, naningkit ang mga mata niyang tumawa nang mahina at nailing. “Gusto mo bang magkaayos kayo o hindi?”

Lumabi ako. Gusto kong magkaayos kami pero parang wala siyang balak makipag-ayos sa akin. Kahapon ko pa siya tinatawagan at nagri-ring naman, pero hindi niya sinasagot. Hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi sagutin o baka noong tumawag ako ay wala siya, o may ginagawa.

“Ayaw niya akong pansinin at hahayaan ko muna siya.”

He gently patted my head. “Go, talk to him now. You can see me here every day, but your relationship is most important.”

Humaba lang ang nguso ko sa pagsimangot at mas lalong hinigpitan ang nakapulupot kong kamay sa kaniyang braso. “Ayaw ko,” pagmamatigas ko.

Gusto kong siya ang mauunang lumapit sa akin. Nagawa ko na ang parte ko kahapon. Hindi ko naman siya itataboy kung sakaling magpakita siya mamaya.

Tumawa lang siya nang mahina na parang may nakatatawa sa lahat ng sinabi ko. Seryoso akong nagsusumbong sa kaniya, pero pinagtatawanan lang niya ako. Ano kaya ang iniisip niya? Kanina pa siya natatawa nang mahina habang nakatutok sa laptop niya.

Muli siyang magpokus sa “Puwedeng dito muna ako sa 'yo?” paalam ko.

He nodded. “I always want to be with you,” he muffled, and then a little smile formed on his lips as he resumed typing.

Umangat ang labi ko sa pagngiti nang mahawa ako at ayaw pa niyang ipahalata sa akin na tuwang-tuwa siya. Parang kanina lang ay ayaw pa niya akong papuntahin sa bahay nila dahil marami raw siyang ginagawa, pero kalaunan ay pumayag din. At tama ngang marami siyang ginagawa dahil kanina pa kami naa sala, hindi siya umaalis sa pag-upo. Gusto kong mamasyal kaso busy siya. Pumikit ako habang hinahaplos-haplos ang kaniyang braso.

“Na-miss kita nang sobra at aaminin kong. . .” Inilayo ko ang ulo ko at idinampi ang labi sa braso niya.

Natahimik ang buong paligid kaya nangunot ang noo ko. Wala na iyong maingay na 'tak tak' ng keyboard sa kaniyang laptop. Marahan kong idinilat ang kaliwang mata ko at halos mapasinghap ako sa bumungad. Malapit ang mukha niya at diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Itinaas ko ang kamay ko para takpan ang mata niya subalit hinawi lang niya. Umangat ang dalawang kilay niya at ngumiti.

Ipinapakita ng ekspresyon ng mukha niyang excited siya sa maririnig niya at para bang alam na niya, pero mas gusto niyang marinig sa akin, kahit na gusto ko ring marinig sa kaniya para malaman ko kung tama ba siya o mali. He bit the bottom of his lips in the middle of his gleaming expression.

Mag-iiwas sana ako ng mukha ko, pero hinawakan niya ang aking baba. Wala na akong takas sa kaniya na nais ko pa sanang bawiin ang sinabi ko kani-kanina lang.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon