TITD24

79 5 2
                                    

I'VE BEEN wondering if he misses me or if someone makes him obliged that he needs to keep me updated to his whereabouts, or it’s his own choice. I don’t know if I am still into him or not anymore. I am confused. My heart doesn’t know the answer, too. All I know is my heart is beating normally. I heaved a long sighed as I looked around for a bit.

Palagi talagang punong-puno ang student plaza, madalas talagang pagtamabayan ito ng mga estudyante. Ayaw ni Jazz at Cathaleya rito at gusto nilang magbasa sa library, pero pinilit kami ni Genesis na dumito na lang dahil mas presko raw, ngunit maingay.

Hindi naman gaanoong nakabibingi dahil imbes na pagtuunan ko ng pansin ang iba ay mas pinapansin ko ang kuwentuhan ng mga kaibigan ko. May naiintindihan ako sa mga ikinukuwento nila, pero hindi na ako makasunod sa kanila. Noong medyo tumigil sila sa pag-uusap ay kinuha ko ang pagkakataon para magsalita.

“What are your plans after you graduate?” I curiously asked.

Bigla akong nagutom ulit sa kinakain ni Cathaleya na ensaymada. Umaasa akong bibigyan niya ako kahit isang kurot, ngunit mukhang gutom siya kaya hindi niya ako bibigyan. Gusto ko lang tikman iyong nasa ibabaw na punong-puno ng melted cheese, mukhang mas masarap kasi iyon kaysa sa kabuuan. Iyong cheese lang din yata ang nagpapasarap. Hinimas ko ang tiyan ko pagkatapos kong ilihis ang paningin sa librong nakasara na nasa kamay ni Jazz. Katatapos ko lang kainin ang shanghai ko at nagsisisi tuloy akong kinain ko nang mabilis. Bakit ko ba kasi inubos agad. Dapat sumabay ako sa kanila para hindi ako naiinggit ngayon.

“Gusto kong i-pursue ang accountancy,” Genesis seriously retorted after she swallowed the shanghai she chewed.

My forehead creased. “Hindi ka na dapat nag-shift kung tutuloy ka rin pala sa accountancy,” Jazz mumbled that it made me nod.

“Pakialam mo ba? E sa gusto ko maging double degree.” She rolled her eyes. Dinampot niya ang tumbler ko at walang sabi-sabing uminom siya roon.

Nasabi na rin niya ito noon na gusto niyang maging certified public accountant. May valid reason naman siguro siya na ayaw niyang sabihin sa amin kung bakit hindi niya itinuloy ang BS-Accountancy course kahit kaya rin naman niyang ipasa. Gusto siguro niyang maranasan ang buhay ng BS-Managament Accounting. Maging ako ay curious kung ano ang pakiramdam. Kung mas mahirap ba iyon kaysa sa kurso namin ni Jazz.

“Ikaw, girl, ano ang plano mo sa buhay?”

Napalunok ako sa tanong ni Genesis sa akin habang nakatingin sa mata ko. Kuryuso lang ako sa plano nila sa buhay, pero hindi ko inaasahang itatanong din pala niya sa akin ang tanong ko. Hindi itinatanong pabalik ni Genesis ang mga tanong ko. Gusto niya yatang malaman kung ano ang gustong-gusto kong gawin sa buhay. Nasabi ko noon sa kaniyang ayaw ko sa kurso ko, kaya nga todo pilit siya sa akin noon mag-shift.

“Maging accountant,” simpleng sagot ko nang nakangiti.

“Talaga ba? Wala ka ngang kaplano-plano sa buhay. Sabay sa agos ka lang,” katwiran niyang nginitian ko lang.

Inaasahan ko naman na ganiyan ang sasabihin niya. Tutol talaga siya palagi sa mga sinasabi kong plano ko sa buhay dahil alam niya ang pinakagustong-gusto ko sa buhay. Gusto ko lang namang mapangasawa ko ang taong mahal na mahal ko at mahal ako. Pero dahil lumilipas ang araw, napag-isipan ko rin nang mabuti kung ano pa nga ba ang gusto ko sa buhay bukod doon sa pinaka-top one na pangarap ko.

Gusto ko na rin maging accountant. I want to be an architect or be a fashion designer but because I chose the course I didn’t dream, I am going to pursue it wholeheartedly. Mag-aaral ulit ako ng architecture kapag naisipan ko at kapag sinipag ulit akong mag-aral. Sa katunayan ay okay na ako sa kurso ko, wala na akong reklamo masyado.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon