TITD52

82 6 0
                                    

UMAWANG ANG LABI ko na may kasamang pagkunot ng noo pagkalabas ko sa kuwarto nang madatnan sila mama, papa at si Brix na nagtatatalon-talon sa saya. Bahagya akong naestatwa sa labas ng pinto ng kuwarto ko. May party? Sasakay na ng barko si Brix? Pero next month pa siya sasakay.

Malakas na pumapalakpak si Brix, nakangiti nang malawak. Sunod kong tinapunan ng tingin si papa na malawak nakangiti habang hawak niyang phone at mahinang tumili naman si mama na sinasamahan ng pagpalakpak.

Kunot-noo akong bumaba, pinadausdos ang kamay sa handrail ng hagdan. “Anong mayroon?” tanong ko sa kanila habang lumalapit sa direksyon nila.

Lumapit ang kapatid ko sa akin at hindi ko maipaliwanag ang saya niyang yumakap sa akin. “Ate, I am so proud of you!”

Mas lalo lang nangunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos nila. Akmang magsasalita ako pero napansin ko ang pagbuka ng bibig ni papa kaya itinikom ko para marinig ang sasabihin niya.

Pagkakalas ni Brix sa yakap ay niyakap ako ni papa. “Congratulations, anak,” wika niya saka sinabayan nang marahang pagtapik sa likod.

My mind is still absorbing the situation. I can't still get their point. Naramdaman kong may yumakap pa sa aking isa, si mama. “Drish, nakapasa ka sa board exam ninyo.” Hinahagod-hagod ang buhok ko.

Halos humiwalay ang bibig ko sa pagnganga habang dilat na dilat ang mata sa gulat. Totoo iyong mga narinig ko? Parang ang hirap paniwalaan. Kumalas sila sa yakap kaya dali-dali kong binuksan ang hawak kong phone at kamuntikan ko pang mabitiwan sa panginginig dala ng pagkataranta. Seryoso ba sila? Hindi ako nanaginip?

Nagbukas ako ng facebook ko at nag-lag ang phone ko sa sunod-sunod na pag-pop ng messenger chat head sa phone screen. Binalewala ko muna ang mga iyon para magtungo sa facebook page ng PRC Board.

Sa panginginig ng kamay ko ay iniabot ko kay Brix ang phone ko, pero imbes na tanggapin niya ay phone niya ang ibinigay niya.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay para maiwasan ang panginginig dahil hindi ko makita nang maayos. Pagkahawak ko sa phone niya ay pangalan ko agad ang naaninag.

I blinked and feel blessed as I saw my eighty-six percent general average, and is not bad for me. All important to me at this moment is I passed the exam that I can't even believe that I am.

Ini-scroll ko pataas para hanapin ang pangalan ni Jazz. Bumilog ang labi ko kasabay ng pagdilat ng mga mata. Natutop ko ang bibig.

Wow! Ninety-four percent general average at top 1 siya. He deserve it. I am happy for him. Kapag nakita ko talaga siya ay una kong sasabihin ang congratulations kaysa sa sorry.

Isinauli ko ang phone ni Brix saka kinuha iyong phone ko sa kaniya. Tinapik ni mama ang balikat ko at itinuro ang direksyon ng kusina.

“Sumunod ka na sa kusina. Iniluto naming tatlo ang mga paborito mong pagkain,” malambing na saad ni mama.

Tumango-tango ako at labis ang saya na nararamdaman ko. Parang nasa isang panaginip ako na hindi kapani-paniwala ang pagpasa ko. Akala ko babagsak ako, pero hindi pala. Nakakatuwa na iyong akala ko ay mali. Salamat kanila mama at Brix, pati si Genesis saka kay Chrysler na pinalakas ang loob kong magtiwala lang ako sa sarili ko.

Binuksan ko ang messenger para basahin ang mga message. Nauna kong pinindot ang group chat naming tatlo.

Genesis: Girl, you did that very well!

Cathaleya: You have done a great job, Drishtelle.

Me: Thank you
so much, Genesis and Cathaleya.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon