NAKAUUBOS NANG LAKAS. Iyan ang nararamdaman ko buong araw matapos ang nangyari kahapon. Naalala ko, umiiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako sa bahay nila Chrsyler at inihatid niya ako ng alas-dies na ng gabi.
Parang may sariling paa ang balitang naganap kahapon sapagkat alam na nila mama at papa ang nangyari, ganoon din sa family ni Jazz. I approached Kuya Kier through sending him a text message to apologize for breaking his brother's heart. He only cheered me up and told me that it's okay.
Nag-iwan din ako ng message kay Jazz sa text at sa Facebook-sa lahat ng social media accounts niya kagabi, pero wala siyang reply n'on kahit nakita ko namang online. Dinampot ko ang phone ko at nagbukas ako ng sa instagram at wala siyang reply, kaya nag-log in ako sa facebook. Mas lalo akong sumimangot nang wala siyang reply.
Hindi ko matukoy kung naka-deactivate ang lahat ng account niya, o baka blocked ako. Pinindot ko ang pangalan ni Cathaleya dahil siya ang nakita kong online sa messenger. Gusto ko lang kumpirmahin kung alin nga ba sa dalawang hinala ko ang totoo.
"Hi, Cathaleya. May I ask you something?" chat ko sa kaniya.
Gumalaw ang tatlong dot kaya hinintay ko ang reply niya, kaysa sa mag-scroll sa newsfeed ko.
"Hi, Drishtelle. I miss you a lot. What it is?" she asked with a smiley face emoji.
Bihira na lang kami magkita kaya hindi ko alam kung kumusta siya. Puro halaman ang nakikita ko sa feed niya at nakakalimutan kong i-message siya kapag may time ako. Hindi siya puwedeng lumabas nang matagal dahil sa sakit niya. I hope she's doing well and overcome her challenges.
Walang patumpik-tumpik akong nag-type ng reply ko habang may maliit na ngiti sa labi dahil sa pagkakataong nakausap ko siya, pero nakakahiya dahil inutusan ko.
"Puwedeng pa-check mga social media accounts ni Jazz? Nag-deactivate ba siya sa lahat?" I massaged my temple while waiting for her response.
Nagdadasal ako sa isip ko na sana wala ako sa blocked list niya. Huminga ako nang malalim noong lumitaw ang chat head ni Cathaleya sa aking phone screen.
"I can't search his name. Deactivated lahat ng account niya kasi pati sa instagram, wala."
Bahagya akong nabunutan ng tinik, ngunit dismayado akong tumango. Maayos pa ang pag-uusap namin kahapon bago niya ako iwan. Imbes na iwan ang message niyang seen ay nag-reply ako, "Thank you and I miss you. Kapag may oras ako, dadaan ako sa inyo."
"You're welcome. Be strong, Drishtelle."
"Ikaw dapat ang maging strong," reply ko na may kasamang wink emoji.
May kumakalat na issue si Jade at hindi pa nabubusisi kung ano iyon, at isa pa, wala akong oras i-stalk dahil sasabihin naman sa akin ni Cathaleya kung hindi na niya kaya. She's a strong woman, by the way.
Bumalik ang pag-iisip ko kay Jazz. Bakit niya kailangang magpakalayo-layo? Akala ko ba sabay kaming magre-review para sa board exam namin. Pero ito, iniwan niya akong mag-isa. Hindi, mali. Ako pala ang gumawa nito kaya nagkaganito ang sitwasyon. Parang bulang naglaho si Jazz.
Nagpunta ako sa message icon, pinindot ang pangalan ni Kuya Kier sa inbox ko at nag-type ng itatanong ko. Paniguradong busy siya sa oras na ito, kung may pasyente siya. Huminga ako nang malalim para humugot ng lakas na loob para i-text siya.
To: Kuya Kier
Kuya, puwede ka bang maistorbo saglit? Itatanong ko lang sana kung nasa bahay ba ninyo si Jazz? Gusto ko lang siyang makausap.
Ipinatong ko sa hita ko ang phone habang pinipindot-pindot ang likod ng aking palad. Sana mag-reply agad si kuya. Dumaan ang ilang minuto at wala pa rin siyang reply. Napasabunot ako sa buhok sabay buntonghininga.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020