NAPATIGIL KAMI sa paglalambingan ni Brix nang pumasok sila mama at papa sa loob. Magkahawak-kamay silang hinahanap kami. Nagtama ang mga mata namin ni papa kaya itinuro niya kay mama kung nasaan kami.
Nakahilig ang ulo ni Brix sa balikat ko. Hinampas ko ang balikat niya para umayos ng pagkakaupo. Sinakyan niya nang todo ang trip ko. Palibhasa ay ayaw niyang pinagtitinginan siya ng mga babae dahil ang tipo niya ay isang South Korean.
Pagkalapit nila sa amin ay 'tsaka sila naghiwalay sa paghahawak kamay. Ipinaghila ni papa ng upuan si mama. Nakita kong ngumiti nang matamis si mama. Itinaas niya ang kamay niya para kunin ang atensyon ng waitress sa counter.
“How's school?” tanong ni papa pagkaupo niya sa tapat ko habang abala naman si mama sa pagtingin ng pagkain sa inaabot na menu ng waitress.
Ngumiti ako nang pilit dahil nakatingin sa akin si papa, naghihintay ng sagot ko. Kinuha ko ang nasa backpack bag ko sa kandungan ni Brix 'tsaka ko niyakap.
“I am doing well,” I lied and I plastered a smile.
Nakahinga ako nang maayos nang hindi na nagtanong si papa dahil kumbinsido ito sa sagot ko. Inilipat niya ang tingin sa kapatid kong pumipili rin ng pagkain sa menu.
“I am doing well, too. I like STEM. It excites me every class.”
Tumango-tango si papa sa sagot niya. Mabuti pa siya dahil mahal na mahal niya ang strand na kinuha niya, at mas lalong magugustuhan niya ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Hindi na siya mahihirapan pa.
Kinalabit ako ni Brix kaya lumingon ako. Itinuro niya ang gusto niyang pagkain, na tinanguan ko naman dahil paniguradong masarap ang napili niya.
“Ma, chicken carbonara and turkey burger,” sambit ni Brix.
“And beef enchiladas,” nakangiting dugtong ni mama. Kahit alam kong pagod na pagod siya sa trabaho ay nagagawa pa rin niyang ngumiti, ganoon din si papa na napapanatili niya ang malapad niyang ngiti.
Hindi na sila nag-abalang tanungin ako dahil kung ano ang pinili ni Brix ay iyon na rin ang kakainin ko. Niyakap ko ang backpack bag ko.
“Ma. . . Pa. . .” tawag ko sa kanila pagkaalis ng waitress para ihanda ang aming order.
Sabay silang tumingin sa akin at naramdaman ko rin ang paglipat ng tingin ng katabi ko sa akin.
“Ano ang madalas ninyong ginagawa kapag may hindi kayo pagkakaintindihan?” kuryuso kong tanong.
Gusto kong malaman kung ano ang madalas nilang ginagawa para ganoon din ang gagawin ko. Nagkatinginan silang dalawa. Nabatid nilang may hindi kami pagkakaunawaan ni Chrysler ngayon.
“Normal lang ba ang magkasagutan kayo?” dagdag kong tanong.
Ngumiti si mama sabay tango. “Normal lang namang hindi kayo magkaintindihan at mag-away,” sagot niya.
“Anong ginagawa ninyo kapag ganoon?” dagdag kong tanong sa kanila. Sila ang mas may experience sa ganito at alam kong maiintindihan nila ako.
“Imbes na magalit kayo sa isa't isa, kailangan may isa sa inyong magpakumbaba—maging maunawain para hindi maging malala ang lahat.”
Nangunot ang noo ko sa sagot ni papa. Hindi mabilis nagproseso sa utak ko ang narinig. Parang hindi ako sang-ayon sa sagot ni papa.
Napakurap ako sa bilis ng paghahanda nila ng aming order. Napansin kong kaagad kinuha ni Brix ang kubyertos.
“Paano kung nasasaktan ka na, uunawain mo na lang siya palagi? Hindi po ba tanga ka na n'on kapag ganoon ang gagawin mo?”
Katangahan na ang magtiis nang matagal. Iyong tipong mga hinala mo ay tama, pero nagbubulag-bulagan lang.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020