“Kailan ka uuwi?” Sumandal ako sa swivel chair habang mahigpit kong hinahawakan ang cellphone ko.
Tinititigan ko ang ang likod niya at braso niyang may maliit na muscle. Busy siya masyado sa paghahanap ng damit niya sa kaniyang closet. Hindi man lang niya lingunin ang cellphone niya, kung saan pinapanood ko siya.
“Makiki-new year countdown muna ako rito at saka sasabihin ko na rin ang tungkol sa atin.”
I slightly nodded. Gusto kong umuwi na siya agad dito. I want to hug him. May six hours pa akong hihintayin bago ang bagong taon samantalang maghihintay pa siya nang twelve hours. Nasa Washington DC siya kasama ang kaniyang family. Akala ko ay hindi sila matutuloy, pero natuloy rin pala sila. Umalis sila the day after our first date.
We've been together for three days and we haven't informed our family about us. Habang magkalayo kami ay panay ang tawag namin sa isa't isa, na parang matagal kaming hindi nagkikita at hindi magkakilala dahil napupuyat pa kaming dalawa sa pag-uusap.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa screen ng aking cellphone. Babad na babad siya sa ginagawa niyang paghahalungkat. Marami na akong nakitang hinawakan niya, pero hanggang ngayon ay wala pa siyang napipiling isusuot pang-itaas.
“Puwede ba akong tumawag mamayang countdown?”
Plano kong sabihin sa kanilang lahat ang tungkol sa amin mamaya. Gusto kong kasama ko siyang magsabi kahit na wala siya rito sa tabi ko.
“Do whatever you want. My phone is always open,” tumatango-tango niyang sabi habang may hawak siyang t-shirt.
“Okay naman iyang hawak mong yellow t-shirt,” sabi ko.
Nilingon niya ako, lumapit siya sabay wagayway sa hawak niyang dilaw na t-shirt. Tumango lang ako at isinuot niya mismo sa harap ko.
Umupo siya sa upuang nasa harap ng mesa. Kinuha niya ang suklay sa mesa at nakangiting ipinadaan ang ngipin ng suklay sa kaniyang basang buhok. His quiff hairstyle looks shiny in the camera.
Itinukod ko ang aking kamay sa nakataas kong hita. “Kausapin mo sila mama at papa, pati si Brix mamaya.”
Nandilat ang mga mata niya dahilan para matawa ako. Ibinaba niya ang hawak na suklay at sandaling napahawak sa kaniyang dibdib.
“Why do I suddenly feel nervous?”
Muli akong tumawa. Hindi lang siya ang kinakabahan kundi pati rin ako. Alam kong wala naman silang sasabihing hindi maganda sa amin, pero nakakakaba pa rin nang wala sa oras. Sumasagi kasi sa aking isip na baka mamaya biglang ayaw nilang maging mag-boyfriend at girlfriend kami.
“Jazz, lunch is ready. Come down now!”
Narinig kong sigaw ni Kuya Kier. Tumingin siya sa pinto at nagkamot ng baba.
“Tara, kain tayo.”
“Katatapos lang namin kumain ng dinner. I'll call you later. Tutulong din muna ako sa baba maghanda ng makakain para sa New Year's eve,” nakangiting sagot ko.
Sumimangot siya. Lumitaw tuloy ang cleft chin niya na mas lalong nagpa-cute sa kaniya.
“Nandiyan sana ako para tulungan ko rin kayo. At saka mag-ingat ka baka mamaya mapaso ka,” habilin niya sa akin. Kahit na nag-uusap lang kami through video call ay pakiramdam ko nandito siya na tinititigan ako. “I love you, Drish.” At naghugis siya ng puso gamit ang dalawang palad niya.
“I love you, too.” I giggled.
Nag-flying kiss siya at hinuli ko naman sa hangin kasabay ng pagtawa namin pareho. Patuloy siyang kumaway-kaway, halos ayaw na niyang bitiwan ang kaniyang cellphone.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020