TITD21

93 5 1
                                    

WALA AKONG gana sa lahat at pati sa paglalakad ay halos mapudpod na ang sapatos ko sa pagkuskos ko sa lupa. Jazz told me to attend the class. Hindi na raw ako puwedeng um-absent pa kahit gustong-gusto kong sa bahay na lang muna ako para magmukmok.

Hindi pa naman kami break ni Chrysler pero parang ganoon na rin ang ipinapahitawig ng nangyari sa akin. Brix is worried and Jazz too. Isang araw akong hindi kumain at maging kanina ay hindi ko kinain ang inihanda ni Brix para sa akin. Maagang umalis sila mama at papa, hindi na nila ako naabutang gumising.

Sinita pa ako ng security guard pagpasok ko dahil nakasumbrero ako. Halos hindi na makita ang mukha ko at akala nila ay may gagawin akong kahina-hinala, kaya napakasama ng araw ko ngayon. Pinagtinginan pa ako ng mga kapuwa ko estudyante. Mabuti na lang ay may kukunin sa loob si Ate Kyla at sinabing kilala niya ako at hindi ako ganoong tao gaya ng inakala nila. Pinagsabihan nila akong huwag ko ng uulitin dahil nagmumukha akong sindikato kapag ganoon.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Nakabusangot akong nakatitig sa kamay kong nasa aking mga hita. Anumang sandali ay pipikit na ako dahil hindi sa antok kundi sa pamumugto ng mga mata ko sa walang katapusang pag-iyak magmula kahapon. Mabuti na lang at kaya ko ng kontrolin ang emosyon ko.

Nagitla ako sa biglang pagsulpot ng pamilyar na pares ng itim na ankle boots sa tapat ko. Titingala pa lang sana ako para tingnan siya pero hinawakan niya ang baba ko at iniangat niya para makita ko siya.

Tinitigan niya ako nang mabuti. Iiling-iling niyang ibinigay ang tissue na hawak niya. Tiningnan ko lang siya. Ano ang gagawin ko dalawang piraso ng tissue? Hindi naman ako umiiyak. 

“Ano'ng nangyari sa 'yo? Pangit ng mukha mo, girl. Para kang mangkukulam.”

Mas lalo akong sumimangot sa narinig kong pang-iinsulto niya.

Ramdam na ramdam ko ang nanunuri niyang tingin na may kalakip na panghuhusga. “Puwedeng iwan mo muna akong mag-isa? Because I'm not in the mood to listen to your rants, Genesis.”

Mapakla siyang tumawa at kinalabit ako. “Broken ka, girl?” she asked with sarcasm.

Tumango ako. “I am.”

Muli niya akong kinalabit pero hindi ko pinansin kundi tinalikuran ko siya at hinawi ang kamay.

“Suplada!” singhal niya sabay tulak pa sa akin nang may kalakasan.

Nakapamaywang siyang umikot para tumayo sa harap ko. Bahagya pa siyang yumuko para masilip ang mukha ko kasabay ng paghawak niya sa pisngi ko at matipid niya akong nginitian.

“I don't know what happened but fix yourself, girl. Transforming like a hobo in front of me because you're heartbroken doesn't suit you.”

Walang halong biro ang ang mukha niyang nakatitig lang sa akin, kaya tinapik ko ang space sa tabi ko para paupuin siya. Tiningnan lang niya iyon saglt at agad ding ibinalik ang tingin sa akin.

“Puwede bang dumito ka muna?”

Her eyebrows raised as she drew a slight smirked on her lips. “Ilibre mo muna ako ng lumpiang shanghai.”

Nagkamot lang ako ng noo at ipinilig ang ulo sa halamang nasa kaliwa ko. Pumitas ako ng dahon, hindi siya pinapansin kahit panay ang kalabit niya sa ulo ko.

“Sige na. Dali!” pagpupumilit niyang niyugyog pa ang balikat ko.

Matipid akong ngumiti pagkaharap ko sa kaniya at tumayo. Tuwang-tuwa naman siyang sumunod sa akin. Kinuha ko ang tong at nilagyan ang maliit na mangkok nang anim na piraso. Iniabot ko sa kaniya pati ang hinugot kong fifty pesos sa pitaka ko. Binayaran niya ito habang nagsalin naman ako ng suka sa isa pang mangkok.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon