PASALAMPAK na naupo si Genesis sa katabing upuan ni Jazz, katapat ko nang makarating ito sa tambayan naming tatlo dito sa student plaza. Nakasimangot itong itinukod ang braso sa bakal na mesa. She looks so exhausted.
"Ayaw ko na ang OBLICON!" reklamong sigaw niya.
"Gusto ka ba?" nakangising pang-uuyam ni Jazz sa kaniyang katabi. Mahina naman akong natawa sa kanila dahil kahapon pa panay reklamo si Genesis sa law in obligations and contracts subject namin ngayong second semester, first-year college na kami. Kung tutuusin, mahirap naman talaga.
"Ang hirap intindihin ng OBLICON at idagdag mo pa ang Conceptual Framework and Accounting Standards," pakikisabay ko sa reklamo ni Genesis. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon.
"Strive harder. We can do this!" he cheerfully exclaimed.
Imbes na gumaan ang loob naming dalawa ay mas lalong bumagsak ang aming balikat. Napasabunot si Genesis sa kaniyang buhok habang nakasimangot akong hinilot ang sentido ko.
"Hindi ko na yata ito maipapasa," malungkot kong saad. Sapagkat sobra na akong nahihirapan. Hindi ko nga alam kung paano ko naipapasa ang bawat pagsusulit at kataka-taka pa ngang nakatuntong pa ako sa second-semester pagkatapos ng first semester. Basic accounting is not basic at all.
"Magshi-shift na ako next year," sabi rin ni Genesis dahilan para mamulagat ang mga mata ko. Inabot ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok sabay hila.
Hinampas niya ang kamay ko para bitiwan ang mahabang buhok niya. Nangibabaw ang nakaririnding tawa ni Jazz, punong-puno ng pang-uuyam. "Accounting lang pala ang magpapatumba sa'yo." Sabay halakhak niya.
Pinasadahan ko ng tingin ang inaasar at nagpigil ako nang tawa sa pagtaas niya ng kilay kay Jazz, na tuwang-tuwa dahil may magpapatumba pala sa babaeng walang inuurungan kahit kahihiyan ay wala siya n'on.
"Tawang-tawa ka diyan? Hindi ko naman aakalaing pahihirapan ako ng ganito ng accounting!" reklamo niya saka siya nagpatuloy pagkatapos niyang itukod ang dalawang braso sa mesa. "Kung alam ko lang sana iba na lang pinili ko. Nag-engineer na lang din sana ako," buntonghininga niyang sambit ngunit napailing na lang ako.
"Do you think you can pass that course?" mapanghamon na tanong ni Jazz. Sinamaan ko siya ng tingin dahhil baka mainis si Genesis at magdabog-dabog iyan dito. Isinara niya ang bibig na tila may zipper pa.
Her eyebrows arched. "But, no joke. I'll shift Management Accounting next school year. How about the two of you?" she asked with worry in her voice.
Nailipat ang mga mata sa kinakain kong lumpiang shanghai dahil bigla akong binisita ng pagdadalawang-isip. Matagal ko na ring balak magpalit ng kurso dahil hindi ko talaga kaya. Sana pala ay hindi na lang accountancy ang kinuha ko kundi business management major financial management. Though, there is a similarity in accountancy but for me, it's much easier than this hell course I'd choose. Bakit ba kasi ako nagpadala sa pananakot ng dalawang ito na kapag hindi ko ito kukunin ay hindi magiging kami ni Chrysler.
"Ipagpatuloy ninyo ang sinimulan n'yo," saad ni Jazz na nakatanggap lang ito ng buntonghininga sa akin, ngunit sumagot si Genesis nang pabalang.
"Ayoko nga 'di ba?!"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Kumagat si Jazz sa walang bawas pang lumpiang shanghai.
Malungkot akong bumuntonghininga. "Bakit ba kasi cover to cover," reklamo kong napakamot sa buhok.
"Hindi ba puwedeng contracts lang sa OBLICON at iyong bandang huli na lang sa CFAS? Mabibiyak na ang ulo ko kapag cover to cover," nakangiwing dagdag ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020