THE BRICK-WALLED spacious dining room with high and wood-beamed ceilings welcome us. I notice the skylight and big olive tree in the center which adds a new flavor and two meters away from us. It makes the ambiance lovely and casual.
Ngumiti ako sa kaniya nang magsalubong ang tingin naming dalawa. Kumuha ako ng tissue saka iinaas ko ang kamay. Idinampi ko sa kaniyang bandang labi nang mapansin kong may sauce ng lasagna roll-up sa gilid ng labi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko, kinuha sa akin ang tissue. Ibinalik ko ang kamay sa paghawak ng tinidor. “Two weeks lang ako dito. Kailangan kong bumalik agad para mag-apply na ng trabaho.” Saka ko iinikot-ikot ang tinidor sa pasta para makuha at isubo.
Itinaas ko ang tinidor na may nakapulupot na pasta. Inilipat niya sa akin ang tingin habang umiinom siya ng tubig. “What about you? Kailan ka babalik sa Pilipinas?” tanong ko saka sumubo.
Nilasahan ko nang mabuti ang pagkain at parang roasted meat saka may iba pa akong nalalasahan, pero hindi ko mabanggit. Matamis na may kapaitan, ngunit napakasarap. Imbes na mahumaling ako sa lasa ng kinakain namin ay ibinalik ko ang tingin sa kaharap kong hindi ako sinagot.
Kinunutan ko siya ng noo. Isinubo niya ang huling kagat ng burger habang ang mata niya ay nasa kaniyang pinggan. Mas pinili niya ang manahimik at parang wala na siyang balak bumalik pa sa Pilipinas o baka naman hindi niya narinig iyong tanong ko.
“Hindi ka na babalik?” I snapped my fingers in front of his face.
Tiningnan ko siya sa mata. Pilit kong sinisisid kung ano ang iniisip niya, pero kahit anong gawin ko talaga bigo ako sa ganitong bagay.
“Sabi ni tito, hindi mo na raw itutuloy ang pagiging license dito,” wika ko. Inilipat ko ang mata sa puwesto ng baso ko na nasa tapat ng pinggan niya. Kinuha ko iyon at uminom ng tubig.
Bumuga siya ng hangin. Nakita ko pa ang pagtaas at agad ding bumaba ang kaniyang balikat. Parang may ipinapahiwatig ang tingin niya sa akin. Kinakabahan ako sa isasagot niya.
“I will continue. All my efforts would be a waste if I didn't pursue my dream. I need two or four years of working experience to take the professional engineering exam.”
Binigyan ko siya nang maliit na ngiti. Nakatutuwang itutuloy niya ang kaniyang pangarap, pero sa kabilang banda ay nalulungkot ako. Matatagalan pa siya ng balik sa Pilipinas dahil kailangan pa niya ng ilang taon para makamit ang pangarap niya. Ibig sabihin, magiging long-distance kaming dalawa.
Pasimple akong bumuntonghininga sabay kamot sa noo nang ilang segundo. Hindi naman siguro ganoon ang magiging set up namin.
“Bawal kang mag-trabaho as construction engineer sa Pilipinas para sa two to four years experience?”
Nanatili siyang nakatitig samantalang muli naman akong nauhaw, kaya uminom ulit ako ng tubig. “Kakausapin ko si papa para maipasok ka niya sa trabaho. Parehas din naman kayo ng specialization. . . construction engineer,” dugtong ko pagkalapag ng baso sa mesa.
Naririnig ko ang parang rapper na boses ng mga foreigner sa aming paligid. Ang bibilis nilang magsalita at naiintindihan ko naman. Hindi ako sanay sa ganitong bansa, pero siguro naman ay masasanay ako kung mapagdedesisyunan kong maigi na puwede ako rito kasama niya.
Tumango-tango siya saka ngumiti. “I will ask if it's okay to work there to aim experience for my qualification.”
Ngumiti ako nang matipid. Umaasa akong puwede pero ang iniisip ko ay baka bumalik siya rito para makasama rin ang parents niya. Sa pagkakaalam ko, hindi na babalik sila tita sa Pilipinas.
“Anong susunod kapag nakapasa ka sa professional engineering exam?” curious kong tanong at inubos ko ang tubig sa baso. Presko sa lalamunan iyong lamig ng tubig lalo na at kanina pa ako nauuhaw, pinipigilan ko lang ang uminom para maubos ko iyong pagkain.

BINABASA MO ANG
Today is the Day
Romance"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020