TITD46

45 4 0
                                    

HUMIHIKAB AKONG umikot patungo sa kusina nang marating ko ang sala pagkababa ko. Hindi ko namalayan na eleven o'clock na ng umaga. Masyadong napahaba ang tulog ko.

Bumungad sa akin si Brix at si mama na parehong naka-apron, naghahanda ng makakain para sa aming tanghalian. Nakalabas ang ngipin kong ngumiti sa kanila nang pareho nila akong tinapunan ng tingin.

“Good morning, ate.”

“Good morning, Brix at mama,” nakangiti kong pagbati. Lumapit ako sa tabi ng kapatid ko na abalang naghihiwa ng carrots samantalang tinitimplihan ni mama ang kaniyang iniluluto.

Pinapanood ko lang ang mabilis na pag-slice ni Brix sa binalatan niyang carrots. Nakita ko ang hindi pa nababalatang patatas sa tabi ng pinaglalagyan niya ng carrots.

“Pati rin ba iyong patatas?” tanong ko sa kaniya. Tumango siya.

Tumalikod ako para lumapit sa direksyon ni mama at kinuha ang peeler. Bumalik ako sa tabi ni Brix at kumuha ng isa para balatan.

“Lumabas ka kaninang madaling araw. Saan ka nanggaling?” tanong ni mama na ikinagulat ko nang bahagya.

Sinigurado kong walang nakakita sa akin noong lumabas ako dahil nasa kalagitnaan na sila ng pagtulog. Pero baka nakita ako ni mama noong umuwi ako. May thirty minutes din ako sa paghihikayat kay Jazz para makauwi.

“Oo, ma. Tinawagan kasi ako ni Genesis at Kuya Kier na pumunta sa Migs Bar para hikayating pauwiin si Jazz,” sambit ko.

Naalala ko bigla iyong mukha niya kanina. Hindi mabura sa isip ko lalo na ang pag-iyak niya. Hindi ko siya nakikitang umiyak at nakakapanibago.

Bumuga ako ng hangin. “Lasing na lasing siya kanina at balak kong pumunta sa bahay nila after lunch,” dugtong ko. Inilagay ko sa cutting board iyong nabalatan ko para isunod niyang hiwain.

Hindi ko nakita ang reaksyon ni mama dahil nakatalikod ako sa kaniya. Napansin ng dulo ng mata ko ang paglingon ni Brix.

“Dumaan siya kanina rito, ate.”

Ako ang lumingon sa kaniya nang dilat ang mata. “Anong oras?”

Ibinalik niya ang tingin sa hinihiwa. Dalawang putahe ang ulam. Narinig ko ang agos ng tubig sa gripo. Pagkalingon ko ay nagsasaing si mama ng kanin.

“An hour ago. Sinabi kong nakatulog ka pa kaya umalis din agad,” sagot niya.

Bakit hindi niya man lang ako ginising. Nasayang ang oras niya sa pagpunta rito. Ambang magsasalita ako pero naitikom ko ang bibig nang magsalita siya.

“Mukhang bagong gising lang din siya n'on. I was offering him breakfast but he refused.”

“Babalik ba siya rito?”

Umiling siya. “Wala naman siyang sinabi, ate.”

Sana kahit nag-text na lang siya sa akin para alam kong dumaan siya. He's acting weird. Kinakabahan ako kasi hindi maganda ang bungad niya kaninang madaling araw. Ayaw kong isipin pero parang ganoon ang ipinaparating sa akin ng kutob ko.

“Mauna ka ng kumain, Drish.”

Lumingon ako kay mama sabay iling. “Hindi, ma. Sabay-sabay na lang tayong kumain.”

Hihintayin kong maluto ang pagkain para sabay-sabay kami at baka uuwi rin si papa. Mas masaya kumain kapag marami kang kasama.

“May sandwich at bacon diyan sa mesa. Kumain ka lang kahit kaunti,” wika ni mama, itinuro ang direksyon ng mesa pagkalapit niya sa akin.

Tumango lang ako at nilapitan ang mesa. Kinuha ko ang sandwich at ipinalaman ang naiwang ham na nasa pinggan. Habang nginunguya ang tinapay na isinubo ko ay tumunog ang doorbell.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon