CHRISTMAS LIGHTS were splendidly decorated in every corner of the house. White Christmas is the motive and my happiness can't express into words for I am grateful for this wonderful day. I roamed my eyes around the backyard of our house to feed my eyes in the surrounding. There are a bunch of sparkling lights like a star twinkling in the evening sky, the silver giant balls with glitters hanging around that it looks like a disco light, and there's a dancing snowflake beside, as well the baby blue garlands filled the entire backyard.
My eyes are sparkling as I saw the bright blue with giant ornaments and giant snowflakes christmas tree behind the glass back door of our house. The motive made us feel like we are in another country to feel the winter vibe celebration, also the blue dress code.
We spend our Christmas break alone with the family when the school announced that it's already a holiday. Time flies and we didn't notice that it's already noche buena.
All of our family members are present. My grandparents from my mom's side and my grandfather from my dad's side. And my parents' best friends are also here, too. We have an instant reunion and all are excited for the Christmas countdown later.
I can't stop myself from grinning. This is what I am waiting for. Kakaiba ang sayang nararamdaman ko kapag nagtitipon-tipon kami. Bawat taon ay sa iba-ibang bahay namin ipinagdiriwang ang Christmas. Last year ay sa bahay nila Tita Yvonne kami nag-celebrate ng Christmas evening at summer motive.
Masaya sa pakiramdam na nakangiti nang malawak ang lahat, at sa totoo lang ay ayaw ko na ngang matapos ang gabing ito dahil mami-miss ko ulit. Gusto ko palaging ganito kasaya. Sa sandaling ito ay nakalimutan namin ang mga sarili naming problema.
“I feel cheerful to see you like this, Drish.”
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses niya. Nakatayo ko siyang palapit sa akin na may dalang jelly beans. Umiling ako bilang pagtanggi sa inilalahad niya. Hindi ako mahilig sa jelly beans, at hindi ko gusto ang lasa. Gusto rin pala niya ito. Akala ko ay panay shawarma na lang ang kinakain niya.
Nakangiti siyang tumabi sa akin sabay akbay. Kumindat-kindat lang siyang nilingon ako saglit bago niya ilibot ang paningin kasabay ng pagsubo niya ng hawak niyang jelly beans.
“Sweetie, come here. I miss you!”
Sabay kaming napalingon ni Jazz sa malakas na sigaw ni Ate Yvy, tinatawag niya si Genesis na palapit pala sa direksyon namin. Napakamot sa buhok si Genesis at umirap na umikot paharap sa tumatawag sa kaniya.
Kibit-balikat kaming nagkatinginan at natawa nang mahina. Makikikulit na naman sa amin.
Tahimik naming in-enjoy ang panonood sa kanila. Inilapit ko ang sarili ko sa kaniya sabay pulupot ng braso ko sa braso niya 'tsaka niyakap nang mahigpit. Idinikit ko ang ulo ko sa braso niya habang nakangiting pinagmamasdan ang parang tinedyer na sila papa, Tito Kitian, Tito Mike, Tito William, Tito Justin, at Tito Jerome. Nagkakatuwaan silang nag-iihaw ng barbeque, pusit, bangus at isaw.
Humagikgik pa ako sa tuwa nang mapansin ko ang nakatatak sa likod ng t-shirt nilang 'Certified Heartthrob King' at sa baba n'on ang mga alias nilang: womanizer king, weird king, slowpoke king, charm king, and ice king which complement them well.
Bahagyang nangunot ang noo ko at bumaling ang tingin ko kay Tito Jerome na nasa tabi ni Tito Mike, hinanap ko ang nakatatak sa likod ng shirt niya kung anong hari siya, pero wala. Tanging "heartthrob king" lang ang nakasulat sa likod ng kaniyang t-shirt. Ano kaya ang story nila at bakit may king sa kanilang t-shirt? Seems like their story is interesting to know.
Umangat ang dulo ng labi ko nang humarap sa direksyon namin si Tito Mike. Kumaway-kaway siyang parang kaedad namin sa liksi niya. Nailing na lang ako sa kaniya dahil parang hindi siya nauubusan ng energy palagi. Umangat ang isang kilay ko nang magawi ang tingin ko sa harap ng t-shirt ni tito. Nakatatak doon ang family picture nila at sa baba rin noon ay may nakasulat pang Zarate Family. Talagang pinaghandaan nila ang araw na ito. Pinasadya ang lahat at ang cute.
BINABASA MO ANG
Today is the Day
Lãng mạn"Gusto ko ng happy ending, pero bakit ganito ang ending nating dalawa?" - Drishtelle Padilla Date started: August 24, 2020 Date finished: December 25, 2020