Wakas

195 5 0
                                    

KUMIKISLAP-KISLAP ang mata ko sa makikinang na nakakabit sa suot ko nang pasadahan ko ng tingin habang nakatayo ako sa tabi niya. Tila tatangayin ako kapag lalabas ako, na parang payong kung iihip ang malakas na hangin dahil sa balon ng gown ko. Hinawak-hawakan ko ang sleeve na may kagaspangan para iayos. Mali pala ako ng inakala, sinabihan ko pa si mama na mangangati ako sa tela pero hindi naman pala nangati ang buong braso kong nabalutan.

Nag-umaapaw sa saya ang nararamdaman ko, na para bang nasa pinakatuktok ako ng mataas na building, nakatingin sa magandang tanawin. Bukod sa nagaganap na ang pinakapakangarap ko sa buong buhay ko, hindi ko inaakalang makagagawa ako ng sarili kong wedding gown sa mismong suot ko.

May ini-sketch akong tuxedo at trousers at si mama na ang tumapos-nagpulido sa ginawa kong iyon pati ang suot ko. Hindi ko rin pinagsisihang nagtapos ako sa accountancy dahil masaya naman ako at tuluyan kong minahal. Siguro sa next life, kukunin ko talaga ang pinakapangarap kong kurso bukod sa pagkamit sa pinakapangarap ko bilang babae-ang maikasal sa taong mahal ko.

Parang papel na napupunit ang labi namin sa pagngiti. Itinikom ko nang mariin ang labi ko at hindi napigilan ang pagbungisngis nang mahina, hindi nakakasagabal sa pagsasalita ng pari. Kanina pa siya nagpipigil sa paghagulgol kaya para siyang may sipon sa kasisinghot.

Gusto kong tumawa nang malakas. Nakatutuwa kasing makita siyang ganito sa aming kasal at isang life achievement na makitang tumutulo ang luha niya sa napaka-engrandeng araw namin. Pinisil niya ang palad kong hawak-hawak niya, tiningnan nang masama.

Bago pa niya mapiga na parang lemon ang kamay ko dahil sa pansusutil ko ay minabuti kong ituon ang mata ko sa nagsasalita sa harap. Pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig at isinasapuso. Pagpasok ko pa lang kanina ay parang halo-halo na dessert ang nararamdaman ko. Kulang pa ang salitang masaya dahil hindi ko talaga maipaliwanag.

Iminuwestra ng pari ang kamay sa amin, itinuro kami sabay ngiti nang napakatipid. "Two people in love do not live in isolation. Their love is a source of strength with which they may nourish not only each other but also the world around them. And in turn, we, their community of friends and family, have a responsibility to this couple." Ngumiti siya sa akin dahilan para ngitian ko pabalik.

Humigpit ang hawak ni Chrysler sa kamay ko. Nilingon ko siya na ganoon pa rin ang hitsura, nakangiti. Magmula sa pagpasok ko hanggang sa pagtayo ko sa harap niya ay hindi nawala ang magandang kurba sa labi niya.

Ibinalik ko ang tingin saglit sa nagsasalita. "By our steadfast care, respect, and love, we can support their marriage and the new family they are creating today," pagpapatuloy ng pari. Tumingin siya sa mga bisita sa loob.

Muli kong inalis ang paningin ko para lingunin ang mga dumalo, na halos hindi ko napansin kanina kung sino-sino sila. Tanging si mama, papa, Brix na best man at si Genesis na maid of honor ng kasal ang nakita ko.

Unang bumungad sa paningin ko ay si Genesis. Kumakaway-kaway siyang nakangiti nang malapad. Pulang-pula ang labi niya sa kapal ng lipstick na inilagay niya, ngunit bagay rin naman niya. Mas bagay pala niya ang naka-bun at off-shoulder.

Pinanliitan ng mata ko ang tattoo sa baba ng collarbone niya. Hindi ko inaakalang lalagyan niya ng marka ang balat at bumagay naman sa kaniya. Nang suriin ko ay isang babaeng nakatagilid ang mukha habang inaamoy ang rosas.

Dumako ang paningin ko sa likuran niya. Kapansin-pansin ang pagpipigil ng antok ni Cathaleya habang nakatingin sa amin. Ngumiti siya nang magtama ang aming paningin. Tila prinsesa ang dating niya sa crown braid na ayos ng kaniyang buhok. Si Ate Kyla na matipid ang ngiting ibinigay sa akin at malapad naman ang iginawad ni Queena sa tabi ng ate niya na parehas lamang silang nakalugay at simple ang make-up.

Today is the DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon